AVIATION SCHOOL IDEDEMANDA

PILOTO9

(NI DAVE MEDINA)

IKINUKUNSIDERA NG pamilya ng Indian student na namatay sa plane crash noong Lunes ang pagsasampa ng demanda laban sa aviation school na may-ari ng bumagsak na Cessna C152 .

Sa nakuhang impormasyon, hindi umano matanggap ng pamilya na namatay ang kanilang  anak  na si Kuldeep Singh (student pilot)  ng ganon na lamang at hindi sa kasalanan o pagkakamali ng Fliteline Aviation School, may ari ng Cessna C152 na may registry no. RP C 2724.

Samantala, ang labi ng Indian pilot na si Capt. Navern Nagaraja (instructor) ay dadalhin naman ng pamilya niya pabalik sa India upang duon tuluyang ihimlay at palipasin ang kanilang pagdadalamhati.

Nitong Biyernes ay narekober ang mga katawan ng dalawang biktima ng plane crash  sa madawag na bahagi ng Hermosa, Bataan.

Matagumapay na napasok ng Joint Task Force na binubuo ng Charlie Company 48th Infantry Battalion 7th Infantry Division ng Philippine Army, 1stProvincial Mobile Force Company PNP SAR Team, PNP Orani, Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) Orani, Civilian Drone Groups Volunteers, at Provincial Disaster Risk Reduction Management Office (PDRRMO) Bataan ang masukal na crash site kaya naiairlift na ang mga bangkay sa pamamagitan ng Philippine Air Force Sokol helicopter at dinala sa Command Center Brgy. Mabiga, Hermosa, Bataan bago tuluyang inihatid sa Bayan ng Orani.

Noong Lunes Pebrero 4 ay mayroong ” touch and go landing maneuver”  ang Cessna plane sa pagitan ng 7:20 ng umaga  hanggang 7:51 ng umaga sa Subic Airport .

Subalit nabigong makabalik ng Plaridel Airpot ang Cessna C152 sa inaasahang oras kaya kinontak sa radar ng Iba, Lingayen, at Sangley towers pero  nabigo.

Isang search and rescue (SAR) operations ang agarang isinagawa ng Fliteline Aviation School at isang Sokol helicopter ang kumilos para sa SAR operations sa katimugang bahagi ng Mount Sta. Rita.

 

146

Related posts

Leave a Comment