BAGUIO CITY – Pinayuhan ng Department of Health (DoH) sa Cordillera ang mga residnete na manatiling malusog sa harap ng patuloy na pagbaba ng temperature sa lugar.
Miyerkoles ng umaga, sinabi ng weather bureau Pagasa na pumalo na sa 9.2 degrees Celsius ang termperatura, itinuturing na pinakamababang naitalaga ngayong taon.
Gayunman, sa mga mas malalamig na lugar tulad ng Mount Sto. Tomas sa Tuba, Benguet. Ang lugar na kilala bilang Sitio La Presa, umabot sa 6.2 degrees Celsius ang lamig.
Nagrereklamo na sa ubo at lagnat ang mga residente dahil sa sobrang lamig.
Sinabi ng DoH na laganap ang respiratory illnesses tulad ng cough, colds, asthma at influenza sa panahon ng tag-lamig.
Pinaalalahanan naman ni Dr. Amelita Pangilinan, DoH Cordillera Regional Director, na kailangan ng madalas na paghuhugas ng kamay dahil 70% umano ng mga virus ang namamatay kung maghuhugas lamang ng sabon at tubig.
Gayon man, posible umanong sanay na sa malamig na klime ang mgaCorilleran dahil bumaba pa sa 32% ang mga nagka-influenza base sa naitala mula Enero 1-12 kumpara sa katulad ng panahon noong nakaraang taon.
391