RAPID TEST KITS IPINAMAHAGI SA DAGUPAN CITY

NAGBIGAY ng donasyong rapid test kits si Senador Cynthia Villar sa Dagupan City bilang suporta sa patuloy na testing program ng lungsod upang mapigilan ang pagkalat ng corona virus 2019 (COVID-19).

Sa pahayag, sinabi ni Villar na tinanggap ni Dagupan City Mayor Brian Lim ang donasyong test kits mula sa senadora sa pamamagitan ng Villar SIPAG (Social Institute for Poverty Alleviation and Governance).

Nauna rito, humingi ng tulong si Lim kay Villar at sinabing kailangan ng Dagupan ng “robust support” sa pagtugon sa pandemya.

“We humbly seek your generous assistance to cover the expenses for the targetted mass testing either through funding for RT-PCR tests or rapid test kits, which we will continue to do in the succeeding months, and which will be vital in the sustainability of the measures adopted by the city government,” pahayag ni Lim sa kanyang liham kay Villar.

Ayon pa sa alkalde, ang Dagupan ang kaunang-unahang local government unit sa Pangasinan at sa Region 1 na nagsagawa ng mass testing program.

Ang mga benepisyaryo ng mass testing program sa Dagupan, sabi ni Lim, ay lahat ng nasa bulnerableng sektor kabilang ang medical at security frontliners, market vendors, manggagawa at public utility drivers.

Tumutulong si Villar sa pagsisikap ng pamahalaan na labanan ang COVID-19.

Kamakailan lamang, nagpatayo ang senador ng portable hand-washing stations sa tricycle terminals, palengke at matataong komunidad upang manatiling malinis ang mga tao kahit sa labas ng kanilang bahay. (ESTONG REYES)

145

Related posts

Leave a Comment