HOPE NI GUILLER VALENCIA
NARANASAN na ba ninyo na kayo ay tanggihan (reject)? Naniniwala ako na lahat tayo ay nakaranas ng rejection; sa pamilya, kaibigan, ka-opisina, sa trabaho, sa credit card o sa pag-utang sa banko, sa mga nililigawan at pati mga politiko na ni-reject ng mga botante.
Marami na rin akong naranasan na rejection. Isa na rito nang unang mag-apply ako ng US Visa ay ‘di ako pinalad mabigyan. I was denied twice.
Ano mang rejection, ito’y nagdudulot sa atin ng distress. Naniniwala ako na marami sa atin ang ayaw na mare–reject. Subalit, ika nga, that’s life.
Kahit sa bibliya, maraming lingkod ng Diyos ang na-reject. Si Haring David ay tinanggihan na sumama sa kanila para maging sundalo o lumaban sa Philistines. Bagkus siya ay pinabalik na lang para mag-alaga ng mga tupa. Si Jacob ay ni-reject ng kanyang father in law para pakasalan si Rachel sa kabila na may kasunduan sila. Gayundin si Joseph “The dreamer.” Siya ay ibinenta sa mga dayuhang mangangalakal ng kanyang mga kapatid dahil ayaw nila kay Joseph. He was rejected to lead to his brothers. Karanasan din ni Moses na siya ay ma-reject ng Pharaoh ng Egypt, nang hindi siyang payagan na isama at palayain ang mga Hebreo sa poder ng mga Egipcio. The most classic example ng rejection ay ang ating Panginoon Jesus. Na isinugo siya sa sariling bayan subalit siya ay ni-reject!
Pero may magandang balita. There is one and only one who can’t reject us. Siya ay available at handa tayong tanggapin: bukas-palad. Sabi niya, Behold I stand at the door, and knock: if any man hears my voice, opens the door, I will come in to him, and will sup with him, and he with me.” (Rev. 3:20). “Come unto me, all ye that labor and are heavy laden and I will give you rest. Take my yoke upon you, and learn of me; for I am meek and lowly in heart: and ye shall find rest unto your souls. For my yoke it is easy, and my burden is light.” (Matthew 21:28).
Malinaw rin ang pangako ng Diyos sa atin. “He will never leave us nor forsake us.” His love, mercy and grace ay laging available. Nag-aantay lamang siya na tayo ay kumatok at humingi.
Certainly, hindi niya tayo ire-reject. His love endures forever. Tanggapin si HesuKristo bilang Panginoon at Tagapagligtas, he will never reject you! (giv777@myyahoo.com)
133 