REKLAMO VS CHECKPOINTS

PINUNA ng ilang mamamayan ang magkakaibang patakarang ipinatutupad ng national government at mga lokal na pamahalaan na may kinalaman sa minimum health standards.
Β 
Isa sa nakarating na mga reklamo sa PUNA ay mula sa isang heavy equipment mechanic na kadalasan ang kanyang mga kliyente ay sa mga probinsiya.
Β 
Batay sa kanyang sumbong, kamakalawa nang nagtungo siya sa Pangasinan ay nahirapan siyang makalusot sa checkpoints sa boundary ng Bulacan at Pampanga.
Β 
Sa dami raw ng Β­hinihinging requirements sa kanya ay nahirapan siyang magpaliwanag sa mga nagpapatupad ng checkpoint.
Β 
Subalit sa bandang huli ay nakalusot din siya dahil kumpleto naman daw siya sa bakuna.
Β 
Pero nauna rito, nang papunta siya sa parte ng lalawigan ng Quezon at sa Rizal siya dumaan ay hindi siya pinalusot sa checkpoint sa pagitan ng dalawang probinsiyang ito.
Β 
Kaya simula nang mag-lockdown nitong pagpasok ng buwan ng Agosto 2021 ay hirap na sila sa kanilang pang-araw araw na pangangailangan.
Β 
Ayon pa sa kanya, hindi naman lahat ay nabibigyan ng ayuda ng gobyerno.
Β 
Hindi rin sapat ang ayuda para makabayad ng upa ng tinitirahan, pagkain at iba pang pangangailangan ng bawat pamilya kaya kailangan pa rin nila magkaroon ng hanapbuhay.
Β 
May punto po ang sinasabi ng ating mga kababayan, dahil matagal na rin nating sinasabi na kahit magpatupad ng mga lockdown sa mga lugar β€˜wag lang pigilan ang gustong maghanapbuhay.
Β 
Lalo na ngayon na Β­simula na naman ang pasukan ng klase, panibagong gastusin na naman ang kinakaharap ng pamilyang Pinoy.
Β 
Saan nila kukunin ang kanilang ipantutustos sa kanilang mga anak na nag-aaral kung hindi sila makapagtatrabaho?
Β 
Pangunahing dapat tingnan ng mga nagpapatupad ng checkpoints kung ang isang tao ay bakunado na.
Β 
Layunin ng bakuna ay proteksyunan ang tao laban sa COVID-19, mahawaan man siya ay hindi na hahantong sa malala at pagkamatay niya.
Β 
Ang higpitan nila ang mga tao na hindi pa nababakunahan dahil sila ang madaling mahawaan at hahantong sa pagkamatay nila.
Β 
Dapat ang pagbabakuna ng gobyerno ang siyang bilisan dahil ito ang Β­magiging solusyon sa mabilis na hawaan lalo na ang Delta at Lambda variants.
Β 
Pero mukhang malabo pang magkaroon ng herd immunity ang mga Pinoy dahil hanggang ngayon ay wala pa nga sa 50 milyong katao ang nababakunahan sa buong bansa.
Β 
Kaya suntok sa buwan ang sinasabing herd immunity sa mga Pinoy.
Ayon kasi sa Department of Health (DOH), bago magkaroon ng herd Β­immunity ang mga Pinoy, dapat ay mabakunahan ang 50 hanggang 70 porsyento ng buong populasyon natin.
Β 
Sa mahigit sa 100 Β­milyong populasyon ng bansa ay malayo pa na maabot ang 50 hanggang 70 milyong katao na mabakunahan dahil sa bagal ng vaccination program ng gobyerno.
Β 
Maging sa pagbabakuna ay hindi rin magkakatugma ang mga
patakaran na ipinatutupad ng national Β­government at lokal na pamahalaan. Ang gugulo niyo!
Β 
Ito rin ang nagpapabagal sa pagbabakuna sa iba’t ibang lugar sa bansa.
Β 
May mga lokal na pamahalaan pa na ginagamit sa kanilang pamumulitika ang pagbabakuna.
Β 
Kailan pa kaya makaΒ­kaahon sa kahirapan na dulot ng pandemyang ito ang lahi ni Juan dela Cruz?
Β 
Na lalo pang pinahirap ng hindi magkakatugma na mga patakaran na ipinatutupad ng national government at lokal na pamahalaan.
Β 
oOo
Β 
Para sa suhestiyon at reaksyon mag-email sa joel2amongo@yahoo.com.
203

Related posts

Leave a Comment