RESPETO!!!

PRO HAC VICE Ni BERT MOZO

“SANA ALL” kagaya ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III!

Ganyang klaseng pulitiko ang dapat tularan ng karamihan na kahit talunan ay ‘di mo kakikitaan ng kung ano pa man, isang tunay na lingkod bayan at mayroong prinsipyo at kaalaman sa kanyang hinahawakang tungkulin.

Ang sinasabi ko po ay ang matapang na pahayag ni ­Senate President (SP) Vicente “Tito” Sotto III na walang ­maaaring makasansala sa kanila o sa Senado at Congress sa pag-canvass ng mga boto ng mga nanalong pangulo at ikalawang pangulo ng bansa sa nakaraang halalan.

Nakatataas ng respeto ang kagaya ni SP Sotto sa kanyang paninindigan bilang pangulo ng Senado, ipinapakita nito ang pagiging propesyonal na ­inirerespeto ang kinalabasan ng nakalipas na halalan.

Dahil sa kabila ng mga isinasagawa ng mga hindi mapakaling mga “talunang personalidad” na patuloy pa ring nagpapansin at naghain pa ng petisyon sa Korte Suprema para maharang lamang ang lehislatura sa pag-canvass ng mga balota para sa mga nanalong pangulo at ikalawang pangulo na sina Presumptive President BBM at Vice President Inday SARA, nanindigan ito na itutuloy nila ang cavassing ngayong linggong ito sa kabila ng isinampang petition ng mga naturang grupo sa Supreme Court.

At matapang rin nitong inihayag na magkakaroon ng ­constitutional crisis kung sasagkaan ang kanilang tungkulin ng alin mang sangay ng pamahalaan na patungkol naman sa hudikatura.

Kahapon ay kaagad ng sinimulan ng Senado at ­Kongreso ang pag-canvass ng mga balota para sa posisyon ng pangulo at ikalawang pangulo na isinasagawa sa plenaryo ng Kamara at inaasahan namang matatapos ang canvassing sa pinakamaagang panahon at maideklara na ang nanalong pangulo at ikalawang pangulo ng nagdaang halalan.

Samantala, welcome naman sa mga empleyado ng Department of Justice (DOJ) ang napabalita na ang susunod na uupong kalihim o secretary ng DOJ ay si Cavite,7th District Representative, Honorable Jesus Crispin C. Remulla.

Ayon sa rank in file employees ng DOJ, handa silang makipagtulungan sa sinumang uupong bagong kalihim ng kagawaran ng katarungan, dahil batid naman nila na sa tuwing may bagong administrasyon ay napapalitan talaga ang kasalukuyang nakaupong kalihim o secretary ng DOJ.

Nauna nang inanunsyo ni Cong. Remulla ang pagkakatalaga sa kanya ni Presumptive President BBM bilang SOJ ng DOJ, na kinumpirma o pinatotohanan naman nitong nakalipas na araw ng Lunes ni BBM sa media press briefing na isinagawa sa General Headquarter office ni BBM sa Mandaluyong City.

174

Related posts

Leave a Comment