RESTAURANT BLAST DULOT NG LPG TANK

NAGKABASAG-BASAG ang mga salamin at nasira ang kisame ng kusina ng isang restaurant nang sumabog ang liquefied petroleum gas (LPG) tank dakong alas-9:45 ng umaga nitong Sabado sa Makati City.
Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, sinabi ng kitchen helper na si Marvin Santos, nagpapalit siya ng basyo ng LPG tank sa kusina ng New Bombay Authentic Indian Cuisine sa ground floor ng The Columns Bldg. sa kanto ng Ayala Ave. at Gil Puyat Ave. nang maamoy niyang sumisingaw ito.
Bunsod nito, tumakbo siya patungo sa loob ng comfort room upang doon magtago para sa kanyang kaligtasan sa pangambang sumabog ng LPG tank.
Makalipas ang ilang saglit ay sumabog ang tangke na nagresulta sa pagkawasak ng kusina ng nasabing restaurant.
Nang matiyak niyang ligtas na ay agad siyang lumabas para humingi ng tulong.
Mabilis namang nagresponde ang mga awtoridad sa insidente.
Wala iniulat na nasaktan sa nangyaring pagsabog.
Habang isinusulat ito ay inaalam pa ng fire investigators ang posibleng dahilan ng pagsabog ng LPG tank at kung magkano ang halaga ng naging pinsala ng insidente sa mga ari-arian. (DAVE MEDINA)
350

Related posts

Leave a Comment