Sa pagbisita sa Indonesia KASO NI VELOSO UUNGKATIN NI PBBM

UUNGKATIN ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang kaso ni Mary Jane Veloso, Pinay na nasa death row sa Indonesia sa kanyang nakatakdang state visit sa susunod na linggo.

Magugunitang papatawan na sana ng parusang kamatayan si Veloso noong 2015 sa Indonesia dahil sa kasong may kinalaman sa ilegal na droga pero napigilan matapos ipanukala ng namayapa at dating Pangulong Benigno Aquino III na gawing testigo ito laban sa kanyang mga recruiter.

“We will go to Indonesia. Most likely, we will raise this issue and concerns to Indonesian officials,” ayon kay Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo nang tanungin ni  Gabriela party-list representative Arlene Brosas hinggil  sa updates sa mga Filipino na nahaharap sa death sentences sa ibang bansa kung saan, karamihan ay kababaihan.

“This is one of the issues which we will raise during the state visit,” dagdag na pahayag nito.

Para naman kay Foreign Affairs Undersecretary Jose de Vega, biktima lamang si Veloso.

“We have asked Indonesia to hold any execution because we are trying to show that she was a victim, not a perpetrator,” ayon kay De Vega sa isinagawang presentasyon ng DFA sa kanilang P20.3 billion proposed budget para sa taong 2023 sa harap ng House Appropriations panel.

Sa nasabi pa ring pagdinig, sinabi ni De Vega na tiniyak ng DFA na mananatili ang mandato nito sa  pagpapauwi at pagbibigay ng tulong sa mga Filipino kahit pa sa gitna ng paglikha ng Department of Migrant Workers (DMW).

“The DMW covers Filipino nationals who are there [abroad] to work, but it does not cover immigrants, permanent residents, citizens of host country but of Filipino descent or also a Filipino citizen, those awaiting naturalization, Filipinos engaged in government exchange visiting program and those who are there (abroad) who are there not to work, including spouses of foreign citizens. The responsibility is on us,” ayon kay De Vega.

“For those areas with no Philippine labor attaches in place, it will still be primarily the DFA who will be responsible for the repatriation and we always try to comply with our responsibility,” dagdag na pahayag nito.

Sa katunayan ani De Vega, nakapagpauwi ang  DFA ng 22 Pilipino mula Sri  Lanka, at tinatayang 300  naman mula Kuwait ang nakatakdang pauwiin sa susunod na linggo.
Aniya pa, mayroong tatlo o higit pang chartered flights ang darating para sa pagpapauwi sa mga  Filipino mula  Saudi Arabia. (CHRISTIAN DALE)

164

Related posts

Leave a Comment