NAGPAABOT ng pakikidalamhati si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Russia sa pagpanaw ni dating Soviet Union leader Mikhail Gorbachev.
Ayon sa Russian state news agencies, namatay si Gorbachev, 91, matapos ang “serious and long illness.”
“I share the grief of other world leaders over the death of Mikhail Sergeyevich Gorbachev, the last leader of the former Soviet Union,” ayon kay Pangulong Marcos sa isang mensahe na naka-post sa kanyang official Facebook page.
Sinabi pa ni Pangulong Marcos na si Gorbachev ay “best remembered” sa kanyang paglusaw sa sariling political party, ang Communist Party of the Soviet Union (CPSU), may pinakamalaki at pinakamaraming miyembro sa buong mundo.
Aniya pa, ang mga polisiya ni Gorbachev na “glasnost” (openness) at “perestroika” (restructuring) ang nagdala at naging ugat para sa political at economic reforms.
Nakiisa rin ang Punong Ehekutibo sa buong mundo sa pag-aalay ng dasal para sa kaluluwa ng namayapang si Gorbachev.
“The Filipino people condole with the Russian people for the loss of a great leader in the person of Mikhail Gorbachev, and we pray he rests in peace,” anito.
Si Gorbachev ang itinuturong tao na nasa likod nang pagpapakilala sa “key political at economic reforms” sa Soviet Union at tumulong para matuldukan ang Cold War.
Samantala, pinuri naman ni Pangulong Marcos si outgoing Lao Ambassador to the Philippines Songkane Luangmuninthone para sa kanyang naging ambag sa “good relationship and improved economic cooperation” sa pagitan ng Pilipinas at Lao People’s Democratic Republic.
“We are honored to have met H. E. Songkane Luangmuninthone, Ambassador of the Lao People’s Democratic Republic, earlier today, as it also marks the end of his duty as an envoy to the Philippines,” ayon kay Pangulong Marcos sa hiwalay nitong post sa kanya pa ring official Facebook page.
“His contribution to our good relationship and improved economic cooperation with Laos is commendable, and we are truly thankful,” dagdag ng Punong Ehekutibo.
Ipinagdasal din ng Pangulo ang kaligtasan ng outgoing ambassador lalo pa’t magsisimula na ito sa kanyang bagong assignment.
Taong 2019 nang magsimula si Luangmuninthone sa kanyang tungkulin bilang Lao ambassador to the Philippines. (CHRISTIAN DALE)
