Balik-probinsya fake news BUS TERMINAL DINAGSA NG STRANDED PASSENGERS

LAGUNA – Dumagsa ang mahigit 100 pasahero sa bus station ng Jac Liner sa Brgy. Turbina, Calamba City, na nagnanais na makauwi sa lalawigan ng Sorsogon.

Ayon sa ulat, patuloy ang pagdating ng mga pasahero na gustong magbalik-probinsya sa Sorsogon, habang ipinaiiral ang enhanced community program.

Kinukumpirma pa ng Public Order and Safety Office ng Calamba City ang nasabing impormasyon hinggil sa umano’y balik-probinsya program ng Sorsogon.

Itinanggi naman ito ng Municipal Disaster Risk Reduction ang Management Office (MDRRMO) ng bayan ng Castilla sa Sorsogon, at binigyang-diin na walang katotohanan ang ulat na susunduin sa nasabing istasyon ang mga kababayan nilang stranded sa Laguna.

Itinuturing itong fake news dahil wala pa umanong napagkasunduan hinggil sa pagsundong muli ng mga pasahero mula sa Laguna.

Matatandaan, noong Mayo 1, umabot sa 250 katao ang sinundo ng limang bus sa Turbina Bus Station.

Ang Balik-Probinsya ay programa ni Sorsogon Governor Francis “Chiz” Escudero para sunduin ang mga Sorsoganon na naipit sa lockdown.

Ihahatid sila sa kanilang probinsya upang makasama ang kanilang mga mahal sa buhay.

Ayon sa Public Order and Safety Office ng Calamba, dahil walang koordinasyon at abiso  mula sa lokal na pamahalaang panglungsod, hindi mapagkalooban ang mga pasahero ng anumang pangangailangan tulad ng pamimigay ng pagkain at inumin habang nananatili sa terminal ng bus.

Hinikayat na lamang na pansamantala na magpatala sa listahan ang mga taong naipit o stranded at ipaalam ang sitwasyon ng kanilang mga kababayan na naging biktima ng maling impormasyon o fake news.

Pinayuhan din silang maghintay ng anumang balita mula sa Sorsogon sa kung anong hakbang ang kanilang gagawin. (CYRILL QUILO)

242

Related posts

Leave a Comment