SC, IBINASURA MGA PETISYON LABAN SA MAS MABABANG VOTING THRESHOLD SA IMPEACHMENT

IBINASURA ng Korte Suprema (SC) ang magkakahiwalay na petisyong inihain nina Atty. Vic Rodriguez, Berteni CataluΓ±a Causing, at Atty. Ernesto Francisco Jr. na kumukuwestyon sa interpretasyon ng Senado sa kinakailangang bilang ng boto para sa conviction sa impeachment proceedings.

Ayon kay SC Spokesperson Atty. Camille Ting, unanimous ang naging desisyon ng mga mahistrado sa pangunguna ni Acting Chief Justice Marvic Leonen.

Gayunman, hindi na tinalakay ng Korte Suprema ang merito ng mga argumento sa mga petisyon at sa halip ay ibinasura ang mga ito dahil sa procedural grounds, kabilang ang kawalan ng legal standing at pagiging premature ng mga isinampang kaso.

Iginiit ng mga petitioner na dapat bilangin sa botohan ang lahat ng 24 senador, kabilang ang mga nakakulong, may sakit o pansamantalang hindi makadalo sa impeachment proceedings.

Dahil dito, sinabi nilang kinakailangan ang 16 na boto, o two-thirds ng kabuuang 24 senador, para mahatulan o ma-convict ang isang impeachable official.

Ayon naman kay Atty. Ernesto Francisco Jr., hindi dapat payagan ang sinumang opisyal, kabilang ang mga senador, na magkaroon ng sariling interpretasyon sa mga probisyon ng Saligang Batas.

Iginiit niya na ang Korte Suprema lamang ang may kapangyarihang magbigay ng pinal na interpretasyon sa mga probisyon ng Konstitusyon.

Sa pagbasura ng Korte Suprema sa mga petisyon, nananatiling umiiral ang interpretasyon ng Senado hinggil sa voting threshold sa impeachment proceedings.

Sa ilalim ng interpretasyong ito, two-thirds ng mga senador na aktuwal na naroroon at bumoboto ang kinakailangang boto para ma-convict ang isang impeachable official.

(JULIET PACOT)

131

Related posts

Leave a Comment