PARA sa MalacaΓ±ang, delikado ang isang lider na hindi alam o hindi inaalam ang mga transaksiyon at kontratang kanyang pinipirmahan.
Ito ang sinabi ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Atty. Claire Castro nang hingan ng reaksyon sa press briefing sa MalacaΓ±ang sa pahayag ni Davao City Mayor Sebastian “Baste” Duterte sa Senate Impeachment Court na hindi niya alam na may interes o pagmamay-ari ang kanyang kapatid na si Vice President Sara Duterte sa GenCorp Industries Inc.
Ayon kay Mayor Baste, walang nakasaad sa mga dokumentong isinumite ng GenCorp Industries Inc. sa Davao City government na pangalan ni VP Sara bilang stockholder o may-ari ng kumpanya.
Sinabi ni Castro na hindi niya hinuhusgahan si Mayor Baste, ngunit binigyang-diin niyang dapat alam ng isang lider ang mga transaksyong sakop ng kanyang mandato.
“Ilan taon na po ba siyang mayor? Again, itong ating kasagutan ay hindi po para husgahan siya. Babase lang po tayo sa mga narinig natin, at kung ano ang kanyang nalalaman at kanyang mga binanggit sa hearing kahapon,” ani Castro.
Ayon sa Palace official, magiging delikado kung gagamitin ng ibang mayor ang katuwirang “hindi ko alam” sa mga transaksyong pinapasok ng kanilang mga lokal na pamahalaan.
“Kung gaano na ba siya katagal na mayor at kung paano hindi niya tinitingnan iyong mga kontratang kanyang pinipirmahan, magiging delikado ito. Kung gagamitin din ito ng ibang mga mayors para sabihin, ‘Hindi ko alam, na kapatid ko pala iyong ka-transact ko,'” dagdag niya.
Si Mayor Baste ang kasalukuyang alkalde ng Davao City matapos ma-detain sa The Hague, Netherlands, ang kanyang ama na si dating Pangulong Rodrigo “Digong” Roa Duterte, na nahaharap sa kaso kaugnay ng umano’y crimes against humanity na may kinalaman sa kanyang “war on drugs” campaign.
Samantala, nang tanungin kung pinagtatakpan ba ni Mayor Baste ang kanyang kapatid na si VP Sara, sinabi ni Castro na hindi niya ito maaaring hatulan batay lamang sa kanyang mga pahayag sa impeachment hearing.
“Hindi natin masasabi, hindi natin mabibigyan ng anumang paghuhusga ang kanyang statement. Ang ipinakita lang niya kahapon ay wala siyang alam. Wala siyang alam, hindi niya inalam, at parang wala siyang pakialam,” ani Castro.
Gayunman, sinabi ni Castro na mahalagang tandaan ng mga pinuno na tungkulin nilang alamin ang mga isyung may kaugnayan sa kanilang nasasakupan, lalo na kung may mga lumilitaw nang kahina-hinalang pangyayari.
“Dapat may alam at mga issue at kontrata ay pilit na inaalam. Delikado ang taong walang pakialam para ilusot ang mga pagkamkam,” diin ni Castro.
(CHRISTIAN DALE)
121 