ROXANNE BARCELO GAGANAP NA TRANS WOMAN SA LOVE IS LOVE

WHATTA MEL(NI MELL T. NAVARRO)

MASASABING uso, very timely, at kasalukuyang “viral” ang character ni Roxanne Barcelo sa Love Is Love, isang romantic comedy kung saan siya ang lead actress at leading man niya si JC De Vera, directed by GB Sampedro.

Isang transgender woman ang role ni Roxanne sa unang movie venture na ito ng RKB Productions. Tampok din sa pelikula ang powerhouse cast na sina Jay Manalo, Raymond Bagatsing, Rufa Mae Quinto, Marco Alcaraz, Neil Coleta, at Keanna Reeves — each playing important characters in the story.

Kamakakailan ay naging laman ng balita si Gretchen Diez, isang trans woman na pinagbawalang gumamit ng CR ng janitress at female guard ng Farmers Plaza Mall sa Cubao, na humantong sa pagpoposas ng nasabing guard at umabot pa sa police station!

Pero bago pumutok ang balitang ito at nag-viral sa social media ang video, nakaka-more than two months nang nagsu-shooting ang Love Is Love, mula sa screenplay ni Cely Santiago.

Ang role ni Roxanne ay dating biologically male na may lihim ng admiration (at pagnanasa) sa best friend na guwapong lalaki, at nang makaipon ng salapi ay nagpa-opera ng sex organ upang maging ganap na babae.

Muling nagtagpo ang landas nila ng guwapong best friend — without the guy knowing na ito ang dati niyang BFF na hombre!

But of course, since romantic comedy ang Love Is Love, more on equality ng LGBT community pagdating sa pag-ibig at acceptance ang main theme ng pelikula.

May iba pang subplots ang aabangan sa kuwento nito.

This is probably Roxanne’s biggest break on film as a solo lead actress dahil sa laki ng cast nito.

Convinced si Direk GB na swak na swak ang role kay Roxanne and she can give justice to it dahil magaling ito sa pag-arte pero underrated lang daw ang aktres.

JOHN ARCILLA, TULOY ANG PASSION SA PAGKANTA BILANG KABESANG TALES SA ENTABLADO

Tahimik lang si John Arcilla pero ilang taon na niyang ginagawa ang Kabesang Tales: Isang Rap En Roll Musical, based on a libretto by award-winning Ricky Lee.

Sa direksiyon ito ni Alejandro “Bong” Ramos, at produced by Red Lantern Productions ni Jojo Baron.

Isa itong “reimagining” ng buhay ni Kabesang Tales during the 19th century Philippines, isa sa mga characters sa El Filibusterismo ni Jose Rizal.

Kahit very busy sa tele­bisyon at pelikula si John ay hindi niya pinababayaan ang kanyang passion and love for singing – and he’s good at it! Napanood na namin ang isang performance niya.

For a couple of years now ay nakaikot na ang Kabesang Tales:  Isang Rap En Roll Musical sa iba’t ibang schools sa bansa – Batangas City, Iloilo City, Mindoro, Cavite, at sa St. Scholastica sa Manila.

It will have a repeat performance in the coming months — hopefully ay sa bigger venue sa Manila.  Nag-shoot at nag-recording na si John para sa MTV nito, with musical directors Jeffrey Hernandez and Alfredo Ongleo.

Nagkaroon na rin ng dalawang auditions the past two weeks para sa mga bagong makakakasama ni John sa cast ng nasabing musical play.

###

Sa last column namin dito sa Saksi Ngayon, na-feature namin ang TV host-comedian na si Eagle Riggs at ang kinasangkutan nitong aksidente sa Palawan. Mala­king halaga ang kailangan niya para sa operasyon, hospitalization, doktor, gamot, at ibang kinakailangan para sa kanyang tuluyang paggaling.

Sa mga nais tumulong kay Eagle, maaari pong mag-deposit sa kanyang personal bank account na nasa tunay niyang pangalan na Michael Riggs: BDO savings acct # 002380078803.

Maraming salamat po in behalf of Eagle!

254

Related posts

Leave a Comment