Solon sa ‘red-tagging’ kay Liza Soberano “HINDI TERORISMO ANG PAGLABAN SA ABUSO”

IDINEPENSA sa mababang kapulungan ng Kongreso ang actress na si Liza Soberano matapos itong akusahan na miyembro ng komunista matapos magsalita sa online seminar ng Gabriela Youth.

Ayon Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas, hindi komunista ang isang taong lumalaban at pumupuna sa mga pang-aabuso sa kababaihan at kabataan sa bansa sa kasalukuyan.

“Hindi terorismo ang paglaban sa abuso. Be a Liza Soberano in this country being lead by macho-fascist officials,” ani Brosas.

Inakusahang miyembro ng New People’s Army (NPA) si Soberano matapos magsalita sa “Mga Tinig ni Nene: Reclaiming Our Voices on the International Day of the Girl Child” na inorganisa ng Gabriela Youth noong Oktubre 13.

Naniniwala ang lady solon na may kinalaman ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) sa pagre-red-tag kay Soberano dahil ito rin ang grupo na kumokondena at nagre-red tag sa Makabayan bloc sa Kamara partikular ang kanilang spokesperson na si PCOO Undersecretary Lorraine Badoy.

“The widespread inequality and discrimination against women remains embedded in society and is increasingly being replicated online. We strongly condemn the state-backed harassment and troll operations led by the National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) against Ms. Liza Soberano,” dagdag pa ni Brosas.

Dahil dito, umapela ang mambabatas sa trolls umano ng gobyerno na tantanan si Soberano na ginagampanan lang ang kanyang tungkulin bilang babae na ipagtanggol ang kababaihan at mga kabataan.

Hindi rin umano dapat matakot ang iba pang kilalang tao sa lipunan na magsalita dahil sa pagre-red-tag kay Soberano.

“We call on more public personalities to use their platforms to promote human rights, something that is badly needed today amidst the many forms of violence being promoted by the highest officials of the land,” ayon pa kay Brosas. (BERNARD TAGUINOD)

145

Related posts

Leave a Comment