KAMPEON SA UAAP MEN, WOMEN CHESS EVENTS; FEU ‘DI NAGPAAWAT

HINDI naging sagabal sa FEU Tamaraws ang pagkatalo sa kamay ng UST Tigers, 1.5-2.5 sa final round, para angkinin ang UAAP Season 82 men’s chess crown.

At doble selebrasyon ito para sa FEU, matapos na ang Lady Tams ay manaig naman laban sa UST, 2.5-1.5 at hablutin ang ikalimang titulo ng torneong ginanap sa UST Quadricentennial Pavilion noong Linggo.

Ito ang ika-15 korona ng Tamaraws, pinakamaraming bilang sa mga kasaling UAAP schools sa chess event.

Ang FEU ay tinapos ang 14 round na may 43 points, 7.5 points ang layo sa second placer UST (35.5). Ang National University ay nakakulekta ng 26.5 points para sa ikatlong puwesto.

Ang UST at La Salle ay may tig-7 titulo sa chess.

At tila magpapatuloy ang dynasty ng FEU sa susunod pang season, dahil sa pagbandera ng kanilang Big Three – Jeth Romy Morado, RK Sevillano at JM Jacutina.

Silang tatlo ay nanalo ng gold sa top three boards, kung saan sina Morado at Jacutina ang naghati bilang Most Valuable Player awardees at sina Sevillano at Jacutina bilang co-Rookie of the Year.

Tanging si Shania Mae Mendoza ang nagbigay ng panalo sa top board, habang ang iba pang player na sina Bea Mendoza, Marife dela Torre at Viona Nepascua ay nagsitabla para tulungan ang Lady Tams, na tumapos na may 40 points, sapat na para hablutin ang korona.

Ang last year’s winner na La Salle ay tumapos sa ikalawang puwesto na may 38.5 points.

NU AT UE, KAMPEON DIN

Blinangko ng National University ang Ateneo, 4-0 upang angkinin ang ikalawang sunod na korona sa Girls’ division. Habang ang University of the East ay nagwagi laban sa La Salle-Zobel, 3-1, upang masungkit ang una nitong titulo sapol nang kunin ang five-peat feat may 13 taon na ang nakalilipas.

Si tournament sensation Lee Roi Palma ang umakay sa UE sa impresibong 10.5 points buhat sa posibleng 11 points para sa top board gold medal at pagbulsa rin sa MVP trophy sa Boys’ division.

Ang UE ay nagwagi rin ng ginto sa boards three at four mula kina Francis Roi Parro at John Kenneth Gelua.

Sina Allaney Jia Doroy, Jesca Docena, Vic Glysen Derotas, at Natasja Jasmine Ballabo ang nagdeliber ng panalo ninth at penultimate round para sa Lady Bullpups, na tinapos ang torneo na may 30.5 points.

Nasa ikalawang puwesto naman ang Adamson Junior Lady Falcons (29.5 points).

“It was a special effort because it is only in the last round when we took the lead,” komento ni NU coach Jojo Aquino.

146

Related posts

Leave a Comment