(NI ABBY MENDOZA) PIRMA na lamang ni Pangulong Rodrigo Duterte at magiging ganap na batas na ang First-Time Job Seekers Assistance Act o batas na magtatakda na waive o wala nang babayaran ang mga bagong graduates sa mga dokumentong kukunin nito sa gobyerno bilang requirement sa aplikasyon sa trabaho. In-adopt at walang naging pagtutol ang House of Representatives sa adoption ng pinagsamang bersyon ng Senate Bill 1629 at House Bill 172. Sa ilalim ng panukala inaatasan ang lahat ng ahensya ng gobyerno kasama ang government-owned and -controlled corporations (GOCCs) at local government…
Read MoreTag: Congress
LAPEÑA NILINIS SA DRUG SMUGGLING
(NI ABBY MENDOZA) HINDI nagrekomenda ng kaso ang dalawang komite ng Kamara laban kay dating Bureau of Customs Chief Isidro Lapeña kaugnay sa sinasabing naipuslit na P11 bilyong halaga ng iligal na droga sa bansa noong nakaraang taon. Sa 19-pahinang committee report ng House Committee on dangerous drugs at House Committee on good government and public accountability, tanging sina dating Customs intelligence officers Jimmy Guban, dating police Sr. Supt. Eduardo Acierto at dating deputy director Ismael Fajardo ang pinaiimbestigahan at pinakakasuhan. Ayon sa dalawang komite na nagsagawa ng imbestigasyon sa…
Read More2019 BUDGET OK NA SA SUSUNOD NA LINGGO
(NI ABBY MENDOZA) WALA nang dapat ipangamba na magkakaroon ng reenacted budget at walang gagastusin sa 2019 election dahil sa susunod na linggo ay maaprubahan na ang P3.757 trilyon na 2019 national budget. Ayon kay House Majority Leader Rep Fredenil Castro, nagkasundo na ang Kamara at Senado na ratipikahan ang 2019 budget. “Tatapusin na ng mga contingent ng Senado at Mababang Kapulungan sa bicam ang usapin upang ma-ratify ang bagong budget for 2019 bago mag adjourn ang Congress sa Miyerkules, February 6,” paliwanag ni Castro. Sinabi ni Castro na sa…
Read MorePUBLIKO ‘OFF-LIMITS’ SA SALN NG MGA PULITIKO
(NI BERNARD TAGUINOD) MANANATILING sarado sa publiko ang buong detalye ng Statement of Assets, Liabilities and Networth (SALN) matapos aprubahan ng kasalukuyang liderato ng Kamara ang dating sistema na ipinatupad ng nakaraang administrasyon ng Kamara. Sa ilalim ng House Resolution (HR) No 2467 na inaprubahan sa plenaryo ng Kamara noong Miyerkoles ng gabi, hindi pa rin ilalabas sa publiko ang mga importanteng detalye ng mga mambabatas sa kanilang ihahaing SALN. Kapareho ito ng HR 1410 na ipinasa noong panahon ni dating House Speaker Pantaleon Alvarez at dahil kailangang maghain muli…
Read MoreKILALANG PULITIKO ‘TINABLA’ NI KAPITANA
(NI LUISA LEIGHT NIEZ) “ GUSTO na talaga niyang umatras dahil sa pini-pressure daw siya para paatrasin ng isang tao.” Ito ang pinagdiinan kahapon ni PDP mayoralty candidate Bingbong Crisologo nang magtungo sa QCPD Headquarters sa Kampo Karingal, Quezon City. Gayunman, tuloy ang pagtakbo ni Bgy. Captain Criselle ‘Beng’ Beltran dahil na rin sa kahilingan ng maraming umaasang supporters sa kanyang nasasakupan. Ayon kay dating Rep. Crisologo, isang araw bago ma-ambush si Beltran, nag-usap umano sila dahil isang kongresista umano ang kumausap sa kanya para paatrasin siya sa kanyang pagtakbo…
Read MoreUNLI 20% FARE DISCOUNT SA MGA ESTUDYANTE
(NI BERNARD TAGUINOD) PASADO na sa ikalawang pagbasa sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang panukalang batas na magbibigay ng discount sa mga estudyante kahit walang pasok sa lahat ng uri ng transportasyon.Sa pamamagitan ng viva voce voting, lumusot ang House Bill 8885 sa ikalawang pagbasa at inaasahang isasalang sa ikatlo at huling pagbasa sa susunod na linggo. Base sa nasabing panukala, kailangang magbigay ng 20% ang lahat ng uri ng transportasyon sa bansa sa mga estudyante kahit sa panahong walang pasok o sa mga weekends at maging sa holidays.Sa ngayon…
Read MoreP3M REWARD SA IMPORMASYON SA PAGPASLANG SA KAPITANA
(NI ABBY MENDOZA) AGAD nag-alok ng P3M reward ang lungsod ng Quezon City sa sinumang makapagbibigay impormasyon sa insidente. Ayon kay QC Acting Mayor Joy Belmonte inatasan na nya si QC District Director Joselito Esquivel na pangunahan ang imbestigasyon at bilisan ang pagresolba sa kaso. Huwebes ng umaga ay magpapatawag din ng Special Session si Belmonte kaugnay sa nangyari kay Beltran. “I assure the public that we will carefully explore all the motives of the case. This heinous crime has absolutely no place in Quezon City. In fact this is…
Read MoreMEDICAL CANNABIS BILL LUSOT NA SA KAMARA
(NI ABBY MENDOZA) LUSOT na sa huli at ikatlong pagbasa sa Kamara ang House Bill 6517 o panukalang pagregulate at gawing legal ang paggamit ng marijuana bilang gamot. Ang naging botohan ng mga mambabatas ay 163 ang pabor 5 ang hindi pabor at 3 na abstention. Sa oras na maging ganap na batas ay nakapaloob sa panukala ang pagtatatag ng Medical Cannabis Compassionate Centers (MCCC) na lisensyado ng Department of Health(DoH) na syang tanging awtorisado na magbenta, magsupply at magdispense ng cannabis sa mga kuwalipikadong pasyente sa pamamagitan ng S3-licensed…
Read MoreP30K SAHOD SA BGY CHAIR IPINANUKALA
(NI BERNARD TAGUINOD) KUNG maipapasa ang panukalang batas na ito, magkakaroon na ng regular na sahod ang lahat ng mga barangay officials sa bansa kung saan ang isang barangay captain ay tatanggap ng hindi bababa sa P30,000 kada buwan na suweldo. Sa ilalim ng House Bill (HB) 6033 na inakda ni Kabayan party-list Rep. Ron Salo, ipapako sa Salary Grade (SG) 15 ang sahod ng mga barangay officials na may katumbas na P30,531. Tatanggap naman ng P22,938 na may katumbas ng SG 12 ang lahat ng mga barangay council habang…
Read More