RESULTA NG RECTO BANK INCIDENT PROBE NASA PALASYO NA

rectorbank123

NATANGGAP na ng Malacañang ang resulta ng imbestigasyon ng Maritime Industry Authority at Philippine Coast Guard sa naganap na banggaan sa pagitan ng barko ng China at fishing boat ng mga Filipino sa Recto Bank, noong Hunyo 9. Ito ang kinumpirma ni Presidential spokesperson Salvador Panelo sa ginaganap na Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit sa Bangkok, Thailand, na dinaluhan ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong Sabado. Gayunman, tumanggi naman si Panelo na pangunahan ang Pangulo sa resulta at maging siya umano ay hindi pa nababasa ang kabuuang report. Ang…

Read More

KASO VS CHINESE SA RECTO BANK INCIDENT PINAG-AARALAN NG PALASYO

panelo12

(NI BETH JULIAN) PINAG-AARALAN na ng Malacanang ang kasong maaaring isampa laban sa mga Tsino na bumangga sa mga Pinoy fishermen sa Recto Bank. Ayon kay Presidential spokesperson Atty. Salvador Panelo, reckless imprudence resulting in damage to property ang posibleng isampang kaso laban sa mga Chinese. Pero batay sa UNCLOS , kailangang manggagaling sa China ang ipapataw na parusa sa kanilang mamamayan. Gayunman, iginiit ni Panelo na mayroon nang diplomatic protest laban sa China dahil sa pag- abandona ng kanilang mga tauhan sa 22 mangingisdang Filipino na sakay ng lumubog…

Read More

BASURA NG CANADA, RECTO BANK ISSUE , MAGKAIBA — PANELO

panelo 200

(NI BETH JULIAN) HINDI dapat ikumpara ang tugon ni Pangulong Rodrigo Duterte  sa isyu ng basura ng Canada at insidente ng banggaan ng Chinese vessel at bangka ng Pinoy fishermen sa Recto Bank. Ito ang reaksyon ng Malacanang sa harap ng mga banat ng mga kritiko ni Pangulong Duterte laban sa umano’y pagtiklop nito sa China habang hinamon naman nito ng giyera ang Canada. Paliwanag ni Presidential spokesperson Salvador Panelo, bilang isang abogado ay ibinabase lamang ng Pangulo ang kanyang mga aksyon sa totoong nangyari o factual basis. Ayon kay…

Read More

BUONG REPORT HINIHINTAY NI DU30 SA RECTO BANK COLLISION

duterte33

(NI BETH JULIAN) DUMEPENSA ang Malacanang sa patuloy na pananahimik ni Pangulong Rodrigo Duterte sa isyu ng banggaan ng isang Chinese fishing vessel at sasakyang-pandagat ng mga Filipino na manginigisda sa Recto Bank. Sa press briefing sa Malacanang, sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na nais muna ni Duterte na makuha ang buong report o ang totoong nangyari sa gitna ng kanya-kanyang bersyon ngayon nang marami. Ayon kay Panelo, maituturing itong premature o masyado pang maaga kung magbibitiw na ng komento o anumang pahayag ang Pangulo nang hindi pa nito…

Read More

POSISYON NI DUTERTE VS KAPA ‘DI MATITINAG

kapa12

(NI BETH JULIAN) NANINDIGAN ang Malacanang sa tuluyang pagpapasara ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Kapa Ministry International na sinasabing isang investment scam. Ayon kay Presidential spokesperson Salvador Panelo, malabong baguhin ng Pangulo ang kanyang direktibang pagpapasara sa Kapa kahit sa kabila ng panawagan at pakiusap ng ilang miyembro nito na huwag ipasara dahil nakatutulong ang mga ito sa kanila. Giit ni Panelo, hindi mababago ang desisyon ng Pangulo dahil nanindigan ito na isang syndicated estafa ang aktibidad ng Kapa at malinaw na panloloko sa mga nabibiktima nila. Isa pa, ayon…

Read More

‘INVESTORS’ PINALULUTANG; KAPA KASUHAN – PALASYO

kapa12

(NI BETH JULIAN) HINIKAYAT ng Malacanang ang mga namuhunan sa Kapa Ministry International Incorporated na lumantad at magsampa ng kaso laban sa naturang organisasyon. Ayon kay Presidential spokesperson Salvador Panelo, ito ang natatanging paraan para mabawi ng mga biktima ang kanilang investment. Kasabay nito, naninidigan ang Malacanang sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipasara ang Kapa at lahat ng investment company na labag sa batas. Ang ginawang panghihikayat ng Kapa para mamuhunan sa kanila ang publiko kapalit ng malaking porsyento ng tubo sa loob ng maikling panahon ay babagsak…

Read More

NATIONAL ID SYSTEM ILULUNSAD NA SA SEPTEMBER

id12

(NI DAHLIA S. ANIN) SISIMULAN na ang pilot testing ng national ID system sa bansa sa Setyembre hanggang Disyembre ngayong taon, ayon sa Malacañang. Ayon kay Presidential spokesperson Salvador Panelo, in-update na ni Socioeconomic Planning Secretary Ernesto Pernia at Nationaol Statistician Dennis Mapa ang Gabinete noong Lunes para sa implementasyon ng National ID system sa bansa. “There will be a pilot testing which will run from September to December 2019 to register a substantial number of Filipinos nationwide. By the end of the President’s term in 2022, 107 million Filipinos…

Read More

TRAVEL ADVISORY SA CANADA, OK NA ULIT – PANELO   

canada 321

(NI BETH JULIAN) BUKAS na muli sa lahat ng department secretaries at head of agencies, government-owned and controlled corporations (GOCCs) at Government Financial Institutions (GFIs) ang bansang Canada. Ito ay nangangahulugang maaari nang bumiyahe papasok ng Canada ang mga nabanggit na opisyal ng pamahalaan matapos ang paglagda ni Executive Secretary Salvador Medialdea na may petsang June 4, 2019, sa isang memorandum na inaalis na ang ipinatupad na restriksyon sa pagbiyahe sa Canada at official interaction sa mga kinatawan ng Canadian government dahil binitbit na ng pamahalaan ng Canada ang kanilang…

Read More

GOV’T HEADS ‘DI NA PWEDE SA OFFICIAL VISIT SA CANADA

canada12

(NI HARVEY PEREZ) HINDI na pinag-iisyu ng Malakanyang ng travel authorities ang mga head ng mga ahensiya ng pamahalaan para sa anumang opisyal na biyahe sa Canada. Ito ang  inihayag ni Presidential spokesperson Salvador Panelo matapos kumpirmahin na nag-isyu ng memorandum noong Mayo 20 si Executive Secretary Salvador C. Medialdea na nag-aatas sa lahat ng department secretaries at  heads ng mga ahensiya, government-owned and controlled corporations at government financial institutions  na itigil ang pag-iisyu ng  travel authorities para sa official trips sa Canada. Sa naturang memorandum, pinagsabihan rin ang mga…

Read More