ABRA – Nalagutan ng hininga ang isang ginang makaraang pagbabarilin ng hindi kilalang suspek habang minamaneho ang kanyang motorsiklo, iniulat nitong Sabado ng umaga sa lalawigang ito.
Kinilala ang biktimang si Cherry Millare Belisario, 39-anyos, residente ng Budac, Tayum, Abra.
Batay sa report ng Tayum Police Station, dakong alas-11:25 ng tanghali noong Biyernes nang mangyari ang insidente sa Budac, Tayum, Abra.
Lumabas sa imbestigasyon, pauwi ang biktima sa kanilang bahay ngunit pagsapit sa lugar, ilang metro lamang ang layo mula sa quarantine control point, ng Brgy. Budac, tinambangan ito ng hindi kilalang lalaki at pinagbabaril.
Masusing iniimbestigahan ng mga awtoridad ang nasabing insidente. (ANNIE PINEDA)
172
