TENSIYON SA MIDDLE EAST: RUSSIA POSIBLENG PAGKUNAN NG KRUDO

langis12

(NI DANG SAMSON-GARCIA)

SA patuloy na pagtaas ng presyo ng krudo sa pandaigdigang merkado kasabay ng tensyon sa Middle East, hinimok ni Senador Koko Pimentel ang Department of Energy (DOE) na maghanap ng iba pang pagkukunan ng krudo.

Sinabi ni Pimentel na kailangan ding gamitin na ng gobyerno ang pakikipagkaibigan nito sa Russia upang makakuha ng suplay ng langis.

“Oo meron tayong alternative sources of oil like Russia sayang naman kinaibigan natin Russia pero hindi tayo makabili oil nila,” saad ni Pimentel.

“Huwag natin isipin malayo ang Russia dahil may parte ng Russia ang malapit,” dagdag nito.

Iginiit din ng senador na napapanahon na upang seryosohin ng ahensya ang pagdevelop ng alternative sources of energy tulad ng solar at wind.

“Dahil sa tension, dapat mag-isip na ang DOE ng possible new sources of oil at seryosohin na rin ang alternative sources of energy. Seryosohin na natin pagdevelop,” diin pa nito.

Samantala, ipinaalala pa ng mambabatas na nakasaad sa Train Law na kung lalagpas sa average price ang langis sa pandaigdigamg merkado ay maaaring suspendihin ang implementasyon ng excise tax.

“Dapat conscious ang gobyerno at tayo na may mekanismo sa train law na kung lumagpas na sa average price ng krudo per barrel pwede nang isuspend ang excise tax,” giit nito.

 

360

Related posts

Leave a Comment