TRANSPARENT AT MALINAW NA PAGBUSISI SA 2027 BUDGET, TINIYAK

TINIYAK ni Senate President Win Gatchalian na nakatuon ang Senado sa isang napapanahon, malinaw at may pananagutang proseso sa pagbusisi sa panukalang national budget para sa 2027.

“Sa pagsisimula natin sa committee deliberations sa panukalang pambansang budget sa 2027, magiging gabay ng Senado ang tiwala ng publiko, fiscal responsibility, at napapanahong pagpapatupad ng mga programa,” pahayag ni Gatchalian.

Una nang na-transmit ng Department of Budget and Management (DBM) sa Senado ang 2027 National Expenditure Program (NEP).

“Simple lang ang layunin natin: tiyakin na ang bawat piso ay may halaga at may malinaw na mekanismo para sa transparency at accountability. Mapunta man ito sa edukasyon, healthcare, imprastraktura, social protection, o job creation, kailangang direktang mapakinabangan ng mga Pilipino ang bawat pisong nakalaan sa 2027 budget at makatulong ito sa inclusive economic growth,” dagdag niya.

Binigyang-diin ni Gatchalian na bukod sa transparency at accountability sa proseso ng pagba-budget, kailangan ding magkaroon ng mahigpit na safeguards upang matiyak ang wastong paggamit ng pondo ng bayan.

Si Gatchalian ang nanguna sa mahahalagang reporma sa proseso ng pagba-budget para sa 2026 General Appropriations Act.

(DANG SAMSON-GARCIA)

45

Related posts

Leave a Comment