LUMOBO sa P19.61 trilyon ang kabuuang utang ng Pilipinas nitong Agosto, ayon sa datos ng Bureau of the Treasury (BTr).
Mas mataas ito ng P217.62 bilyon o 1.12% kumpara sa P19.39 trilyong utang na naitala noong Hulyo.
Mula naman noong Disyembre 2025, tumaas na ng 10.72% ang national debt mula sa P17.71 trilyon.
Ayon sa BTr, nasa P13.24 trilyon ang domestic debt habang umabot naman sa P6.37 trilyon ang external debt.
Kabilang sa mga dahilan ng paglaki ng external debt ang paghina ng piso laban sa dolyar, na nagdagdag ng P90.32 bilyon sa halaga ng foreign debt kapag isinalin sa piso.
Inaasahang madaragdagan pa ang utang ng bansa sa 2027 dahil plano ng gobyerno na mangutang ng P1.7 trilyon upang pondohan ang inaasahang budget deficit.
(CHRISTIAN DALE)
48 