(NI BERNARD TAGUINOD)
WALANG plano si House Speaker Alan Peter Cayetano na labagin ang kasunduang ipinonte ni Pangulong Rodrigo Duterte ukol sa term-sharing sa liderato ng Mababang Kapulungan.
Ito ang tiniyak ni Cayetano sa isang press conference nitong Miyerkoles sa New Clack City sa Tarlac kung saan idaraos ang 39th Southeast Asian Games sa Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11.
“Wala namang dapat ikaba iyung kahit sino kasi nga lahat naman tayo ay sumasang-ayon na ang Pangulo ang magde-decide, and so far mayroon
siyang standing the decision, so far that stands,” ani Cayetano.
Ginawa ni Cayetano ang pahayag kasunod ng ilang ulat na maaari umanong ituloy-tuloy nito ang pamumuno sa Kamara matapos magkaroon ng mataas na rating sa survey ng Pulse Asia.
Magugunita na isinulong ni Duterte ang term-sharing sa pagitan nina Cayetano at Marinduque Rep. Lord Alan Velasco kung saan 15 buwan na mamumuno sa Kamara ang Taguig Congressman habang ang natitirang 21 buwan sa 18th Congress ay ang huli na ang magtitipon sa Kapulungan.
“So I promise the President, I’ll do a good job and one month or two months before iyung middle or pinag-usapan, I’ll go for him for instructions, so kung ano ang instruction ng Pangulo, iyun ang masusunod,” ani Cayetano.
“Lahat naman kami, si Majority Leader Martin Romualdez and si Congressman Velasco all agreed dito (term sharing),” dagdag pa ni Cayetano.
Sa ngayon ay nakatutok lang umano ito sa mga priority bills ni Duterte at nagkakaisa aniya ang mga ito sa Kamara at kailangang maipasa ito lalo na ang mga economic measures.
