WALANG PINOY NA NASAKTAN SA PANIBAGONG PAG-ATAKE SA STRAIT OF HORMUZ – MALACAÑANG

WALANG Filipino seafarers ang nasaktan sa pinakabagong pag-atake sa dalawang barkong dumaan sa Strait of Hormuz, ayon sa Malacañang.

Sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro na nananatiling seaworthy ang dalawang vessel at ipinagpapatuloy ang kanilang biyahe.

Batay sa ulat ni Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Hans Cacdac kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., patuloy na minomonitor ng pamahalaan ang kalagayan ng mga Pilipinong tripulante.

Ang unang barko, ang M/V Ever Lovely, ay iniulat na inatake noong weekend habang lulan ang 21 Filipino crew members, kabilang ang kapitan.

“Walang nasaktan mula sa 21 na Filipino crew, kabilang ang kapitan ng vessel. Nananatiling seaworthy ang vessel at nagpapatuloy ng biyahe,” ani Castro.

Inaasahang darating ang barko sa Singapore sa Hulyo 5.

Samantala, inatake rin ang Panama-flagged oil tanker Kiku habang dumaraan sa Strait of Hormuz.

Ayon kay Castro, ligtas din ang 19 na Pilipinong sakay nito at nagpapatuloy ang paglalayag ng barko.

Sinabi ng Malacañang na patuloy na nakikipag-ugnayan ang mga awtoridad sa mga Filipino crew members at handang magbigay ng psychosocial assistance kung kinakailangan.

Sa kasalukuyan, nakatawid na sa Strait of Hormuz ang 2,100 Filipino seafarers na sakay ng 85 barko, habang nasa 3,800 pang Pilipinong tripulante ang nananatili sa mga barkong naglalayag sa Persian Gulf.

Patuloy umanong minomonitor ng pamahalaan ang sitwasyon.

(CHRISTIAN DALE)

54

Related posts

Leave a Comment