AGAD na nagpahayag ng kahandaan ang World Health Organization (WHO) na tumulong sa mga naapektuhan ng magnitude 7.8 na lindol sa Mindanao.
Sa mensaheng inilabas ni WHO Regional Director for the Western Pacific Region Dr. Saia Ma’u Piukala, sinabi nitong nakaantabay ang kanilang tanggapan sa Pilipinas upang makipag-ugnayan kay Department of Health (DOH) Secretary Teodoro Herbosa.
Ayon sa WHO, nakahanda silang suportahan ang government-led response sa mga lugar na sinalanta ng lindol.
Tiniyak din ng WHO official na handang tumulong ang iba pang United Nations partners at civil society organizations sa relief at recovery efforts.
Nagpaabot din ng pakikiramay ang WHO sa pamahalaan at mamamayang Pilipino dahil sa mga nasawi at naapektuhan ng trahedya.
Pinuri rin ng organisasyon ang kabayanihan ng mga rescuer, recovery teams, health workers at iba pang ahensyang tumutulong sa operasyon sa mga lugar na sinalanta ng lindol.
(JULIET PACOT)
44 