CAVITE – Patay ang isang YouTuber at kontrobersiyal na albularyo, makaraang pagbabarilin ng hindi nakilalang suspek habang palabas ng isang convenient store sa bayan ng Naic sa lalawigang ito.
Dead on the spot ang biktimang si Arturo Solomon, 40, ng Brgy. Ibayo, Silangan, Naic, Cavite, makaraang barilin sa sa harap ng 7-11 convenient store sa Brgy. Capt. C. Nazareno, Naic.
Ayon sa ulat ni P/SSgt. Richard Atienza ng Naic Municipal Police Station, dakong alas-7:45 ng umaga nitong Biyernes nang mangyari ang insidente.
Makaraan ang pamamaril ay naglakad lamang ang suspek patungo sa kanyang motorsiklo at tumakas.
Si Solomon o kilala bilang si Arturo “Jesus Man” Solon sa kanyang You Tube account ay may mahigit na 2 milyong viewers dahil sa kakaibang panggagamot ngunit noong Enero 2020 ay inaresto dahil sa pagmolestiya at panggagahasa sa isang magkapatid sa loob ng Paradise Motel sa Brgy. Tabang, Naic, Cavite. (SIGFRED ADSUARA)
297 