UTOS NG DDB: JAILS LINISIN SA ILLEGAL DRUGS

NAG-ISYU ng panuntunan (guidelines) ang Dangerous Drugs Board (DDB) sa mga bilangguan sa buong bansa kung paano linisin ang mga ito sa illegal drugs upang magkaroon ng drug free status sa loob ng anim na buwan mula ngayon.

Sa regulasyong ipinalabas ng DDB, ang mga bilangguan ay magpapatupad ng drug clearing program sa kontroladong mga pasilidad para sa Persons Deprived of Liberty (PDLs).

“The proliferation of illegal drugs and drug related incidents in jails pose a serious threat to the health, reformation, and rehabilitation of persons deprived of liberty,” ani DDB Chairman Secretary Catalino S. Cuy.

Ito umano ang dahilan kung bakit sa ilalim ng Philippine Anti-Illegal Drugs Strategy o PADS, ang Bureau of Corrections (BuCor) at Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ay inatasang palakasin ang kanilang anti-illegal drug measures sa kanilang mga pasilidad.

Base sa regulasyon, ang detention facilities na nasa ilalim ng pangangasiwa ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), Bureau of Corrections (BuCor), at maging ng Local Government

Units (LGUs) ay kailangang magbuo ng Drug-Free Workplace Program Committee para sa implementasyon ng drug clearing program.

Kasama rito ang pagsasagawa drug testing at surpresang paghalughog at seizure operations.

Kailangang magpatupad ng search at seizure operations at iimplementa ito sa buong pasilidad kasama ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Lahat ng jail personnel at PDL na nag-iingat ng dangerous drugs, drug paraphernalia o controlled precursors and essential chemicals (CPECs) ay sasampahan ng kasong kriminal at administratibo.

Bukod dito, ang personnel ng detention facilities ay isasailalim sa mandatory drug test, isang beses sa loob ng isang taon, habang ang PDLs isasailalim sa drug test based on random sampling.

Ang sinumang personnel ng nasabing mga bilangguan na magiging positibo sa paggamit ng ilegal na droga ay aaksiyunan base sa probisyon ng DDB Regulation No. 7, Series of 2003, bilang inamyendahan, o ang general guidelines para sa implementasyon ng mandatory drug testing sa mga opisyal at miyembro ng militar, pulis at iba pang law enforcement agencies.

Samantala, ang PDLs na mapatutunayang positibo sa paggamit ng illegal drugs matapos ang confirmatory test, ay isasailalim sa therapeutic community modality program o Balay Silangan.

Matatandaan noong Disyembre, ang DDB ay nag-turn over ng P8.5 milyong halaga ng financial assistance sa BuCor para sa pagpapatayo ng drug treatment and rehabilitation facility sa loob ng New Bilibid Prison sa Muntinlupa.

Ang BJMP naman ay nakatanggap din ng inisyal na halagang P15 milyon para sa konstruksiyon ng drug rehabilitation facility sa loob ng BJMP compound sa Malaybalay, Bukidnoon.

Nitong 4th quarter ng 2020, panibagong P15 milyon ang ini-release sa BJMP para sa panibagong pagtatayo ng pasilidad sa Argao District Jail, Cebu para sa Visayas. At isa pang pasilidad na itatayo para sa Luzon.

“We encourage all jails to institute treatment and rehabilitation programs in their facilities,” ani Secretary Cuy. (JOEL O. AMONGO)

201

Related posts

Leave a Comment