BJMP PERSONNEL SA LAS PINAS, ISINAILALIM SA COVID-19 TEST

0

SUMAILALIM sa COVID-19 test ang mga tauhan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na nakatalaga sa Las Pinas City Jail kahapon.

Isa sa mga prayoridad ni Mayor Mel Aguilar na tiyakin ang seguridad pangkalusugan ng mga frontliner sa lungsod maliban pa ang food security at peace and order sa kanyang mga nasasakupan ngayong panahon ng krisis dulot ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

“Isa po sa ating prayoridad na ma-test ang ating BJMP personnel para masiguro ang kanilang kalusugan at maiwasan ang pagkalat ng virus sa loob ng ating city jail,” pahayag ni Mayor Aguilar.

Ito ay hiwalay pa sa isinasagawang rapid testing ng Las Pinas city government para sa mga health frontliner sa iba’t ibang barangay.

Dakong 9:00 ng umaga nang isailalim sa swab testing ang dalawampu’t dalawang (22) BJMP personnel sa pamamagitan ng pagkuha ng mucus sample sa ilong at lalamunan sa pangangasiwa ni Dr. Rosarie Oca.

Ayon kay City Health Office Chief Dr. Ferdinand Eusebio, ang mga swab samples ng BJMP personnel ay dadalhin naman sa Philippine Red Cross (PRC) para doon suriin kung positibo o negatibo ang mga ito sa COVID-19.

Matatandaan nitong nakaraang linggo ay nilagdaan ang isang Memorandum of Agreement (MOA ) sa pagitan ng Las Pinas government at ng PRC para sa 1,500 swabbing test kits na nagkakahalaga ng P5 milyon na inilaan sa pagtugon ng COVID cases sa lungsod.

Batay sa PRC, malalaman ang resulta ng swab test ng isang pasyente sa loob ng 48- oras. JHAY JALBUNA

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment