BROWNOUT

brownout121
0

(NI KEVIN COLLANTES)

ILANG lugar sa Metro Manila at mga kalapit na lalawigan ang makararanas ng pansamantalang pagkawala ng suplay ng kuryente ngayong linggong ito, batay na rin sa abisong inisyu ng Manila Electric Company (Meralco).

Sa naturang advisory, sinabi ng Meralco na ang power interruptions, na sisimulang ipatupad sa Martes,  Oktubre 15, at magtatagal hanggang sa susunod na Linggo, Oktubre 20, ay bunsod nang isinasagawa nilang maintenance works.

Kabilang sa mga maaapektuhan ng power interruptions ay ang Makati at Mandaluyong City, dahil sa pagpapalit ng poste sa E. Pantaleon Street, sa Barangay Barangka Ibaba, Mandaluyong City; Ermita, Maynila dahil sa pagpapalit ng poste sa T. M. Kalaw Sr. Ave. sa Ermita, Manila at Paco, Maynila dahil sa pagpapalit ng poste sa Paz Street.

Apektado rin ang Pinagbuhatan, Pasig City dahil sa maintenance works at pagpalit ng mga pasilidad sa loob ng Meralco-Taguig substation, gayundin ang Tandang Sora, Quezon dahil sa line reconductoring works sa Alcantara Compound; at Sto. Cristo-Bago Bantay, Quezon City dahil sa pagpapalit ng mga pasilidad sa Pampanga Street.

Pansamantala ring mawawalan ng suplay ng kuryente ang Calamba City sa Laguna dahil sa instalasyon, paglilipat at pag-retire ng mga pasilidad; at line reconductoring works na apektado ng DPWH road widening project sa Barangay Parian; at Lusiana at Majayjay sa Laguna at Lucban at Tayabas sa Quezon, dahil naman sa maintenance works sa loob ng Meralco-Tayabas substation.

Mayroon ring power interruptions sa Sariaya, Quezon dahil sa pagpalit ng poste sa Bignay 1 Barangay Road at pagpalit ng poste sa Sitio Pontor Road sa Barangay Bignay 1, habang sa Lucena City naman ay magkakaroon ng preventive maintenance at testing works sa loob ng Meralco-Lucena substation.

Kaagad namang humingi ng paumanhin ang Meralco sa kanilang consumers dahil sa abalang dulot ng kanilang maintenance works.

Paliwanag ng Meralco, layunin ng kanilang pagkukumpuni na higit pang mapaghusay ang ipinagkakaloob nilang serbisyo sa kanilang mga consumers.

Read More

ILANG LUGAR SA METRO MAWAWALAN NG KURYENTE

brownout12
0

(NI KEVIN COLLANTES)

ILANG lugar sa Metro Manila at ilang karatig na lalawigan ang inaasahang makararanas ng pansamantalang pagkawala ng suplay ng kuryente ngayong linggong.

Sa advisory na ipinalabas ng Manila Electric Company (Meralco), nabatid na dulot ito ng mga maintenance work o pagkukumpuning kanilang isasagawa, mula ngayong Lunes, Agosto 26, hanggang sa Linggo, Setyembre 1.

Kabilang umano sa maaapektuhan ay ilang lugar sa mga lungsod ng Caloocan, Makati, Mandaluyong, Manila, Pasay, Marikina, Pasig, at Quezon, gayundin ang ilang lugar sa mga lalawigan ng Bulacan, Laguna, Rizal at Quezon.

Nabatid na kabilang sa mga aktibidad na isasagawa ng Meralco ay paglalagay ng mga bagong pasilidad, line reconductoring works, preventive maintenance at testing works sa loob ng Meralco substations, paglilipat ng mga pasilidad, pagpapalit at paglilipat ng mga poste, at conversion ng mga pasilidad.

Humihingi naman ng paumanhin ang Meralco sa mga maaapektuhan ng kanilang maintenance activities.

Paliwanag pa nito, layunin ng kanilang mga pagkukumpuni na lalo pang mapaghusay ang ibinibigay na serbisyo sa kanilang mga consumers.

Read More

BROWNOUT MATATAPOS SA SETYEMBRE — NGCP

luzongrid12
0

(NI MAC CABREROS)

MAGTATAGAL hanggang sa buwan ng Setyembre ang mararanasang bahagyang pagkawala ng kuryente sa Luzon.

Inihayag ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na nakalagay pa rin hanggang nitong Martes sa yellow at red alert ang supply ng kuryente sa Luzon grid at inaasahang mag-normalize sa nabanggit na buwan.
“Luzon power situation is expected to normalize by September when hydroelectric power plants go online,” banggit NGCP.

Inianunsyo ng NGCP na manipis pa rin ang supply ng kuryente sa  Luzon grid kung saan naranasan na nitong Martes ang yellow alert ng  alas-9:00 hanggang alas-10:00 ng umaga, alas-11 ng umaga hanggang ala-1 ng hapon, alas-3:00 ng hapon hanggang alas-5:00 ng hapon at alas-6:00 ng gabi hanggang alas-9:00 ng gabi.

Naramdaman naman ang red alert alas-10:00 ng umaga hanggang alas-11:00ng umaga at ala-1 ng hapon hanggang alas-3:00 ng hapon.

Napag-alaman ng Saksi Ngayon na ilalagay sa yellow alert ang supply kapag ang reserbang kuryente ay mas mababa sa kapasidad ng planta kung saan nasa 647 megawatts sa Luzon samantalang ililista sa red alert kung zero ancillary services o kung may generation
deficiency.

Nabatid pa na nasa 11,402 megawatts (MW) ang available capacity kumpara sa peak demand na 11,114 MW.
Inaasahan ng Department of Energy na tataas ang produksyon ng hydropower plants dahil sa malakas ang buhos ng ulan dulot ng rainy season at tatampukan pa ang pagbaba ng demand bunsod ng malamig na panahon.

 

Read More

POWER INTERRUPTION NA NAMAN NG MERALCO

meralco121
0

(NI KEVIN COLLANTES)

MAGPAPATUPAD na naman ng maintenance works ang Manila Electric Company (Meralco) sa papasok na linggo, na inaasahang magreresulta sa power interruptions sa ilang lugar sa Metro Manila at mga kalapit nitong lalawigan.

Sa paabiso ng Meralco, nabatid na ang maintenance schedule ay nakatakdang isagawa sa loob ng pitong araw o mula Mayo 20, Lunes, hanggang Mayo 26, Linggo.

Ayon sa Meralco, apektado nito ang Bel-Air, Guadalupe Viejo at Poblacion sa Makati;  Sampaloc at Sta. Mesa sa Maynila; Novaliches, Baesa, Cubao sa Quezon City sa Metro Manila; gayundin ang Sto. Tomas, Batangas ; Sta. Maria, San Jose del Monte City, Bulacan; Amadeo, Silang, Tagaytay City, Maragondon, Naic, Ternate at Dasmariñas City sa Cavite; Calamba City, Los Baños at Biñan sa Laguna at Tanay sa Rizal.

Kabilang naman sa maintenance works na isasagawa ay relokasyon at upgrading ng facilities; line reconstruction works; NGCP line maintenance works; poles replacement, line reconductoring works, repair works at preventive maintenance at testing works sa loob ng Meralco substations.

Kaugnay nito, humihingi naman ng paumanhin ang Meralco sa mga maaapektuhan ng power interruptions.

Ipinaliwanag nito na ang pansamantalang pagkawala ng suplay ng kuryente ay hindi dulot ng kakulangan ng suplay ng kuryente at sa halip ay dala lamang ng kanilang mga maintenance works.

Layunin din anila nito na higit pang mapaghusay ang kanilang serbisyo sa mga kostumer.

Read More

BROWNOUT SA MM, KARATIG LALAWIGAN SA MAYO 17

brownout121
0

(NI MAC CABREROS)

MAKARARANAS ng pagkawala ng kuryente ang ilang bahagi ng Metro Manila, Cavite, Laguna at Bulacan ngayong Mayo 17 hanggang Mayo 19, ayon sa Manila Electric Company (Meralco).

Sa abiso ng Meralco, mapuputulan ng supply ng kuryente ang bahagi ng Buenavista Avenue mula Tagaytay hanggang Calamba Road kabilang na rito ang Rodeo Hills Subd., Lakeview Subd., San Gabriel Subdivision at Buenavista Hills Subd. Phases 1 & 2A; Anya Resort & Residences Tagaytay at Roxaco  Land Corp. sa Barangays Tolentino East, Tolentino West at  City proper.

Dalawang beses na mapuputulan ng serbisyo ng kuryente sa Mayo 18 at 19 ang buong circuit ng Tayabas 48ZY hanggang Botocan 42D saan sakop ang Tayabas – Lucban – Majayjay Provincial Road mula Roma Rosa Subdivision sa Bgy. Mateuna, Tayabas, Quezon Province hanggang  Majayjay – Luisiana Road sa Bgy. Bakia, Majayjay, Laguna; buong bayan ng Lucban sa Quezon at Luisiana sa Laguna.

Mawawalan din ng kuryente ganap alas-11 pm at alas-11:45 pm ng Sabado gayundin alas-6:15 am at alas-siete ng umaga ng Linggo ang sakop ng Circuit 54VD sa Mandaluyong Ciy partikular ang Shaw Blvd. mula EDSA hanggang Stanford St. sa Bgy. Wack – Wack Greenhills East; bahagi ng Calbayog St. mula Samat St. hanggang Kanlaon, L. Esteban, Malinao at Domingo M. Guevarra Sts.; at Highway Hills Integrated School sa Bgy. Highway Hills; bahagi ng Mariveles St. mula Dr. Jose Fernandez St. hanggang Sierra Madre St. kasama ang Banahaw St.; MGM Food and Commodities Corp., Worldwide Corporate Center at Diamond Tower Condominium sa Bgy. Highway Hills; bahagi ng Sultan St. mula Mariveles St. hanggang Bermuda Hotel & Restaurant at Citynet Central sa Bgy. Highway Hills; bahagi ng Sierra Madre St. mula Sultan St. hanggang Domingo M. Guevarra St. sa Bgy. Highway Hills.

Alas-nuebe ng umaga at alas-9:15 ng umaga at alas-tres ng hapon at alas-3:30 maapektuhan ang Circuit Abubot 39XZ sa Dasmarinas, Cavite partikular ang bahagi ng Gen. Emilio Aguinaldo Highway mula
Meralco – Abubot substation hanggang Jose Abad Santos Ave. (Salitran – Salawag Road); Don Gregorio Heights Subd. 2, Arcontica Village at Southplains Executive Village sa Dasmariñas City proper; kahabaan ng Jose Abad Santos Ave. (Salitran – Salawag Road) mula Gen. Emilio Aguinaldo Highway hanggang Fairway View Subd., Crescent Hills Subd., Amaris Dasma Subd., Sunny Crest Village, Cresta Bonita Village, Ivory Crest Village, Summerwind Village Phases 1 – 3, Summer Meadows Subd., The Orchard Subd., The Orchard Golf & Country Club, Mango Village, Southwood Villas, Andreaville Executive Home Subd., Garden Grove I & II Subds., South Meridian Homes and UPEHCO Subd. in Bgys. Salitran I -IV at Salawag.

Magkakaroon din ng power interrupton sa San Jose Del Monte City, Bulacan ganap alas-12:00 ng tanghali at alas-5:00  ng hapon ng Sabado partikular sa Quirino Highway mula Tialo St. hanggang Igay Road
kabilang ang Carissa Homes North Subd. Phases 2A, Guzman Ville Subd., Highview Royale Subd., Northgate Park Subd. Phases 1 – 3, Northridge Executive Subd., Northridge Royale Subd., Palmera Northwinds Subd. Phase 8A, Sitio Gitna, Sitio Lambakin, Tierra Del Sueño Subd., Villa
Hermano Subd.; Bacood St.; N.S. Salvador Marble & Construction Co. at Ebnezer Christian Academy sa Bgy. Sto. Cristo.

Ginawa ng Meralco ang anunsyo para maabisuhan ang mga apektado na makagawa ng karampatang hakbang.

Read More

BROWNOUT LABAG SA BATAS – CONSUMER GROUP

brownout121
0

(NI MAC CABREROS)

PAGLABAG sa batas at dapat managot ang kinauukulang sangkot sa pagkakaroon ng brownout, inihayag nitong Martesni Pete Ilagan, pangulo ng National Association of Electricity Consumers for Reforms (Nasecore).

“Itong pong power outages o  brownout ay labag sa batas,” pahayag Ilagan.
Aniya, mandato ng mga kinauukulan gaya ng Department of Energy at
Energy Regulatory Commission, na tiyaking may sapat na supply ng
kuryente.

“Ang brownout po ay walang puwang sa isang industriyang inirereporma ng
batas,” diin ni Ilagan. “Kaya, dapat managot ang government regulators na siyang tumitingin sa pagpapatupad ng batas,” dugtong nito.

Naiulat na sisilipin ng Senado ang posibilidad na may sabwatan ang mga power industry players para magkaroon ng artificial shortage na siyang dahilan ng brownout.

Ilang beses na inilagay ng National Grid Corporation of the Philippines sa yellow at red alert ang supply ng kuryente sa Luzon grid.

Kasabay nito, inihayag ng Manila Electric Company (Meralco) na wala silang kontrol sa pagkakaroon ng brownout sanhi ng pagnipis ng supply.

Ipinaliwanag ng Merlaco na isa silang distribution utility at anumang supply ang papasok sa kanila ang siyang ibabahagi sa mga konsumer.

Idinagdag ng pinakamalaking distribution utility sa bansa na sadyang hindi maiiwasan ang
brownout dahil sumasailalim sa maintenance works ang kanilang pasilidad gaya ng linya, poste at substation.

Napag-alaman ng Saksi Ngayon na ang kuryente ay tulad din sa ibang produkto na nakabatay sa supply and demand.

Read More

1-2 ORAS NA BROWNOUT ASAHAN SA LUZON

meralco1
0

PINANGANGAMBAHAN ang rotational brownout sa ilang bahagi ng Luzon sa dalawang magkasunod na araw dahil umano sa kawalan ng sapat na power reserves, ayon sa Meralco.

Isa hanggang dalawang oras mula alas-10:00 ng umaga hanggang alas-4:00 ng hapon sa bawat area ang posibleng mangyari sa mga consumuers. Ilalathala din umano sa social media pages ang mga lugar na apektado.

Inaasahang ngayong Huwebes ang peak demand sa Luzon sa 10,607 megawatts sa available capacity na 10,761 MW at reserve na 154 MW.

Nanawagan naman ang ahensiya sa publiko na magtipid sa kuryente upang makatulong upang huwag nang mabawasan ang pagnipis ng supply ng kuryente.

 

Read More

HABANG MAY KRISIS SA TUBIG; BROWNOUT NAMAN NGAYON

meralco8
0

(NI DAHLIA ANIN)

NAGBIGAY ng abiso sa publiko ang Manila Electric Company (Meralco) na makararanas ng brownout ang ilang parte ng Metro Manila at kalapit probinsiya dahil sa mga gagawing maintenance.

Sa Marso 18-24 ang nakatakdang iskedyul at ilan sa maapektuhan ay ang Caloocan City (TALA), Mandaluyong City (Wack Wack Greenhills East), Pasig City (Kapitolyo, Pineda at Ortigas Center), San Juan City at Quezon City (Central at Vasra, Cubao at Diliman).

Maapektuhan din ang ilang kalapit probinsya tulad ng Bulacan (Bocaue at Malolos City), Cavite (Dasmariñas, Imus at Gen. Trias City), Laguna (Biñan, Alaminos, Calauan, Liliw, Nagcarlan, Rizal, San Pablo, at Majayjay), Rizal Province (Antipolo City at Rodriguez).

Ang pagsasagawa ng mga line reconductoring works at pag-a upgrade ng ilang pasilidad ang dahilan ng pansamantalang pagkawala ng kuryente na tatagal mula 5 oras hanggang 12 oras.

Read More