2 OBRERO SUGATAN SA SUMABOG NA CHEMICAL TANKER SA BATANGAS

SUGATAN ang dalawang obrero sa pagsabog ng tangke ng alcohol na nasa isang pabrika ng kemikal sa bayan ng Calaca, Huwebes ng hapon.

Kinilala ng Calaca police ang mga biktima na sina Denver Bakilan at Redforth Soneja na nagtamo ng mga pinsala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Batay sa report, nire-rapair ng dalawa ang isang walang lamang tangke ng ethanol na nasa loob ng Balayan Distillery Inc., sa Brgy. Talisay nang bigla na lamang sumabog ang isa pa nilang katabing tangke.

Agad sumiklab ang apoy at naabot ang mga ito.

Tuluyan ding lumaki ang apoy at nasunog ang mga katabing tangke at iba pang mga kagamitan sa pabrika.

Matatandang noong nakaraang July 4, nasunog na rin ang ilang bahagi ng naturang planta matapos tamaan naman umano ng kidlat ang isa sa mga ethanol tank.

Inaalam pa ng mga tauhan ng Calaca Bureau of Fire Protection ang pinsalang dulot ng panibagong sunog. (NILOU DEL CARMEN)

162

Related posts

Leave a Comment