2 OSPITAL SA NCR EXCLUSIVE SA COVID-19 PATIENTS

IKINOKONSIDERA ng Department of Healt na gawing ‘exclusive facility’ ang dalawang ospital sa NCR na siyang tatanggap sa mga pasyenteng nagpositibo sa COVID-19, ayon kay Health Secretary Francisco Duque.

Ang Philippine General Hospital sa Maynila at Jose N. Rodriguez Memorial Hospital sa Caloocan ang ikinokonsidera ng kalihim na tatanggap ng ‘crucial task’ sa gitna ng public health emergency sa bansa.

Ayon pa sa kalihim, kailangan ang naturang “specialized health facilities” dahil magugulo pa ang ibang serbisyo ng mga ospital dahil sa COVID-19.

Nauubusan na rin aniya ng mga hospital staff dahil sa kaka-quarantine sa kanila matapos mag-alaga ng COVID-19 patients.

“Itong bagong concept natin ay specialized only for COVID-19 patients. So ‘yung mga doktor mga nurse, doon na lang sila ika-quarantine, ang rotation doon na lang, hindi ‘yung maghihiram,” ani Duque sa isang panayam.

Ngunit giit ng kalihim, ang planong ito ay pinaplantsa pa ng health authorities at nangangahulugan ito na maaaring ilipat sa ibang ospital ang mga pasyente ng dalawang ospital na hindi naman tinamaan ng COVID-19.

Sa pinakahuling tala, umakyat na sa 217 ang positibong kaso at sa bilang na ito ay 17 ang namatay na. (DAHLIA ANIN)

 

239

Related posts

Leave a Comment