2 TULAK NA GUMAGAMIT NG PASLIT SA BULACAN ARESTADO

ARESTADO ang dalawang notorious drug personalities na gumagamit ng mga paslit bilang courier o taga-deliver nang maaktuhan ng mga tauhan ni San Jose Del Monte, Bulacan PNP chief Lt. Col. Rannie Lumactod sa ikinasang anti-narcotics operation kahapon.

Kinilala ni Col. Lumactod ang mga nadakip na sina Elvira Dicang y Delos Reyes, 50 at Armando Alforte y Cardenas, 64, kapwa ng CSJDM.

Gamit ang PDEA Coordination number 10004-092022-0500, isinagawa ang anti-illegal drugs operations ng mga tauhan ng Intel/CDEU (lead unit) na pinamumunuan ni PLT Reynaldo Bayan Jr., laban sa dalawang target personalities na sinasabing gumagamit ng mga musmos na delivery asset para hindi mahuli.

Nagresulta rin ang buy-bust operation sa pagkakakumpiska ng mga awtoridad ng may sampung maliliit na heat sealed plastic sachet na sinasabing naglalaman ng methamphetamine hydrochloride known as shabu sa pag-iingat ng dalawa.

Binasa ni Police Staff Sgt. Paolo Dela Cruz na umaktong poseur buyer ang constitutional rights and Anti-Torture warning sa dalawang suspek.

Sinaksihan din ng mga barangay official, tauhan ng DOJ at media representatives ang isinagawang markings and inventory ng confiscated pieces of evidence mula sa dalawa.

Dinala sa Bulacan Forensic Unit for Laboratory at drug test Examination ang mga suspek habang inihahanda ang kasong Violation of Art 11, Sec 5, sec 11 and sec 26 in relation to RA 9165, dangerous drugs act of 2002 na isasampa laban sa kanila. (JESSE KABEL)

220

Related posts

Leave a Comment