Muntik akong mahulog sa aking kinauupuan mga kabandila nang mabasa ko kamakailan ang pag-depensa ng isang party-list sa mga sumisira sa kalikasan at pumapatay sa Laguna de Bay at Manila Bay. “We don’t deny that, somehow livestock production contributes to pollution. . . but we have to understand that this is livelihood,” pahayag ni Rep. Rico Geron ng Agricultural Sector Alliance of the Philippines, o Agap Party-list. Ang kanyang pahayag ay may kaugnayan sa nadiskubre ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na ang mga animal farm na nag-ooperate…
Read MoreMonth: March 2019
PANAWAGAN SA STARBORNE INTERNATIONAL PROMOTIONS & MANPOWER CORP.
Nakatanggap ako ng sumbong at pakiusap mula sa kapwa advocate na si Bro. Art mula sa Kuwait. Inihihingi n’ya ng tulong si Marielle Kris Lampon Martos na deployed ng Starborne International Promotions & Manpower Corp. Ayon kay Marielle Martos, dumating s’ya sa Kuwait noong October 26, 2018 bilang isang household worker. Ayon sa kanyang sumbong ay siya ay hina-harass at ibebenta pa ng kanyang employer at ‘di rin s’ya pinapakain nang sapat. Heto po ang kanyang buong salaysay: “One week ago nagreport na po ako sa aking agency kay ma’am…
Read MoreP79-B ‘ISININGIT’ NG KAMARA SA 2019 NAT’L BUDGET — SOTTO
UMAABOT sa P79 bilyon umano ang isiningit sa orihinal na ratipikasyon ng 2019 national budget, ayon sa pagbubunyag ni Senate President Tito Sotto. Binanggit ni Sotto ang report mula sa Senate Legislative Budget Research and Monitoring Office (LBRMO) na nakikipag-ugnayan sa House Appropriations committee kaugnay ng pambansang pondo ng bansa. Nabatid na nasa P79 bilyon ang inilagay sa budget ngayong taon na wala o hindi bahagi ng napag-usapan sa bicam. Niratipikahan na ng Kongreso ang P3.8 trilyong 2019 budget noong February 8. Gayunman, hanggang ngayon ay hindi pa rin ito…
Read MoreCHOKOLEIT, PATAY NA SA ATAKE SA PUSO
SUMAKABILANG buhay na ang magaling na comedian na si Chokoleit, ayon sa kumpirmasyon ng Star Magic. Patuloy pang inaalam ang buong detalye nguit sa statement ng Star Magic, sinabing nasa out of town show sa Abra ang komedyante nang dumaing ng hirap ng paghinga matapos ang kanyang performance. Si Chokoleit, Jonathan Aguilar Garcia, sa tunay na buhay ay regular na nakikita sa mga comedy movies at comedy bars. 1133
Read MoreSURIGAO DEL NORTE NIYANIG NG 6.2 LINDOL
(NI ABBY MENDOZA) NIYANIG ng 6.2 magnitude ang Surigao del Norte Biyernes ng gabi bagamat walang naitalang pinsala magdudulot naman ito ng mga aftershocks. Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) may kalakasan ang lindol na naramdaman din sa ilamg bahagi ng Visayas at Mindanao. Sa talaan ng Phivols, naramdaman ang pagyanig alas 11:06 ng gabi noong Biyernes, may lalim ito na 38 km na tectonic ang pinagmulan at ang sentro ay naitala sa bayan ng Burgos. Sa rekord ng Phivolcs, ang pagyanig ay naramdaman din sa Dinagat island…
Read MoreEMPLEYADO NG LRTA HULI SA PANUNUHOL SA PULIS
(NI ALAIN AJERO) SWAK sa selda ang isang warehouse officer ng Light Rail Transit (LRTA) nang tangkaing suhuluan ang isang pulis na humuli sa kasama nitong driver kahapon ng madaling araw sa Navotas City. Hindi na halos maiharap ang mukha dahil sa kahihiyan ng inarestong suspek na si Pepito Aranzaso, 49, ng Brgy. Bagumbayan South. Alas-2:40 ng madaling araw, nagsasagawa ng Oplan Sita ang mga tauhan ng Police Community Precinct (PCP) 2 sa kahabaan ng Gov. A. Pascual St Brgy. San Roque nang parahin ni SPO4 Jose Elizalde Oriendo ang…
Read More‘DI NAGBAYAD NG ‘FINE’ SA MMDA NAKAALARMA NA SA LTO
(NI ROSE PULGAR) NAKAALARMA na sa Land Transportation Office (LTO) ang plaka ng sasakyan ng mga motoristang may mga “unsettled violations”. Ito ang babala kahapon ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA). Isumite sa LTO ang listahan ng mga motorista na hanggang ngayon ay hindi pa nagbabayad ng kanilang traffic fine. Sinabi ng MMDA, ang lahat ng mga motostang may mga unsettled violations simula nitong Disyembre 2018 at nakaalarma na sa LTO. Dahil dito hindi i-re-renew ng LTO ang vehicle registration ng mga motoristang may mga pending violations, maliban kung inisyuhan sila ng clearance ng MMDA. Payo ng MMDA…
Read MoreAI-AI DELAS ALAS GUSTONG MAGBUNTIS SA 2020
PINAPLANONG magbuntis ni Ai-Ai delas Alas pagdating ng January 2020. At dahil 54 years old na ang komedyana, marami ang nagsabing imposible ito nang unang binanggit niya ito noong 2018 pa. “Normal muna, pag hindi kinaya, eh, di IVF,” aniya. Ang tinutukoy niya ay ang ‘in vitro fertilization,’ kung saan pini-fertilize ng sperm ang egg sa labas ng katawan. Sa mga nagsasabing hindi ito posible, ito ang reaksyon ni Ai-Ai: “Ano bang paki nila, eh, hindi naman sila ang magbubuntis. Huwag nang pansinin ‘yung mga ganyan. Basta ako, paghahandaan ko…
Read More‘KRISIS SA UNEMPLOYMENT TITINDI PA SA DU30 GOV’T’
(NI JEDI PIA REYES) TITINDI pa umano ang problema sa unemployment o kawalan ng trabaho sa Pilipinas sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte. Tinukoy ni Sonny Africa, ng non-profit research group na IBON Foundation, ang pagbagsak ng oportunidad sa paggawa o trabaho sa sektor ng agrikultura. Aabot aniya sa 1.7 milyong trabaho ang nawala sa agriculture sector na mula sa dating 10.9 milyon nuong Enero 2018 ay umabot na lamang ito sa 9.2 milyon nuong Enero ng kasalukuyang taon. Sa kabuuan ng populasyon ng bansa, sinabi ni Africa…
Read More