(NI JEDI PIA REYES) IBINABALA ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang pagsipa ng temperatura sa pinakamainit na antas dahil sa epekto ng El Niño phenomenon sa bansa. Ayon kay Analiza Solis, ng Climate Information monitoring section ng PAGASA, maaaring umabot ng mahigit pa sa 40 degrees Celsius ang temperatura lalo na sa Northern Luzon. “Base po sa forecast natin, we could get as high as or more than 40 degrees Celsius po [init ng panahon] lalo na sa areas ng Northern Luzon… Tuguegarao, Cagayan in particular,”…
Read MoreMonth: March 2019
PAG-USBONG NG RELIGIOUS GROUPS HIHIGPITAN
(NI ABBY MENDOZA) DAHIL maraming indibidwal o grupo ang ginagamit ang pagkakaroon ng religious groups o organisasyon para makapanloko ng kapwa,isinusulong ng isang partylist group ang isang panukala kung saan magkaroon ng sistema na kikilala at magsesertipika sa mga lehitimong religious groups. Layon ng House Bill 9038 o Church Recognition Act na inihain ng Kabayan Partylist na protektahan ang publiko laban sa mapanlinlang na grupo na ginagamit ang relihiyon para sa pansariling interes. “Unfortunately, not all religious groups or organizations are established for legitimate purposes, particularly that of propagating their religious…
Read MoreHIGIT P100-M PANANIM POSIBLENG MASIRA SA EL NINO
(NI JEDI PIA REYES) TINATAYA ng Department of Agriculture (DA) na pumalo sa P100 milyon o higit pa ang halaga ng masisirang produksyon sa sektor ng agrikultura dahil sa epekto ng El Niño phenomenon sa bansa. Ayon kay DA chief of Field Program Operational Planning Division Christopher Morales, maaaring abutin ng 10,000 metric tons ng bigas at mais ang masasayang lang dahil sa tagtuyot. Kabilang aniya sa mga lalawigang mahigpit na minumonitor ngayon dahil sa epekto ng El Niño phenomenon ay ang Cotabato, Occidental Mindoro, buong Zamboanga peninsula, Maguindanao, Misamis…
Read More400-K EKTARYA LUPA NG GOBYERNO IPAMUMUDMOD
(NI BETH JULIAN) TINATAYANG nasa 300,000 hanggang 400,000 ektarya ng lupa ng gobyerno sa buong bansa ang ipamumudmod ng administrasyong Duterte para sa mga beneficiaries ng Department of Agrarian Reform (DAR). Ito ang tiniyak ng Malacanang matapos ihayag mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang talumpati sa Balay Kauswagan sa Sagay City, Negros Occidental kung saan inatasan na nito ang DAR kailangan sa huling tatlong taong natitirang panahon ng kanyang panunungkulan ay maipamahagi na ang mga lupa ng gobyerno, kabilang ang mga nasa bundok, sa mga beneficiaries ng agrarian reform.…
Read MoreBUDGET SA PABAHAY SA 2020 IPINASUSUMITE NA SA DBM
(NI ABBY MENDOZA) INATASAN na ng House of Representatives ang Department of Human Settlement and Urban Development (DHSUD) na magsumite na sa Department of Budget and Management ng panukalang budget para sa susunod na taon. Sa naging pagpupulong ng House committee on housing and urban development kaugnay ng status ng preparasyon ng implementing rules and regulation para sa bagong housing department, iginiit ng mga mambabatas ang kahalagahan na ngayon pa lamang ay maihanda na ang budget ng departamento na mangangasiwa sa housing program ng gobyerno. Sa meeting na pinangunahan ni…
Read MoreWALANG ABISONG PAGKAWALA NG TUBIG SA EAST ZONE BUBUSISIIN
NAIS busisiin ang hindi inaasahang pagputol ng supply ng tubig sa Metro Manila at sinisi ang Manila Water dahil sa kapalpakan. Sinabi ni Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate na dapat imbestigahan ang walang abisong pagputol ng supply ng tubig na ikinataranta ng maraming residente at pagka-apekto ng mga negosyo. Kasabay ito ng paghingi ng paumanhin ng Manila Water sa mga apektadong residente ng Mandaluyong, Pasig at San Juan mula March 7 hanggang 8. Iniahayag naman ng Maynilad ang pagkawala ng supply ng tubig mula March 10 hanggang 11 sa…
Read MorePRESYO NG GASOLINA BABABA, DIESEL TATAAS
(NI ROSE PULGAR) MAY nakaambang na dagdag-bawas sa presyo ng mga produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis sa bansa sa susunod na linggo. Ayon sa isang energy source , tinatayang nasa P0.5 hanggang P0.10 ang bawas sa kada litro ng gasolina. Habang may pagtaas naman kada litro sa diesel na nasa P0.80 hanggang P0.85. Tuwing araw ng Martes ipinapatupad ng mga kumpanya ng langis ang oil price adjustment. Ayon sa Department of Energy (DoE) ang ipinatupad na dagdag bawas sa mga produktong petrolyo ay bunsod sa patuloy…
Read MoreP30-M ‘SHABU’ NASAMSAM SA CEBU
UMAABOT sa P30 milyong halaga ng hinihinalang shabu ang nakumpisa sa isang lalaki sa buy-bust operation sa C. Padilla St., Barangay Duljo-Fatima, Cebu City, Biyernes ng gabi. Nahuli rin ng mga tauhan ng Mambaling Police Station ang isang lalaki na siyang target ng operasyon. Bumili umano ang poseur-buyer ng shabu sa suspect nang dambahin ito ng awtoridad. Nang inspeksiyonin ang dalang bag nito, nakita ang iba pang pakete ng shabu na may kabuuang halaga ng P30 milyon. Sinabi ni Duljo-Fatima Barangay Councilor Milo Arenas, wala umano sa listahan ng kanilang…
Read MoreEU, BELGIUM AATRAS SA PAGTULONG SA MGA NGOs
(NI JG TUMBADO) IBINUNYAG ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na ang European Union (EU) at ang bansang Belgium ang nasa likod ng umanoy pagpopondo sa Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) sa pamamagitan ng front nitong ilang non-government organizations (NGOs). Ito ang kinumpirma ni AFP deputy chief of staff for civil military operations Brig. General Antonio Parlade Jr. na mismong mga opisyal ng EU at pamahalaan ng Belgium ang nagkumpirma sa pagtulong sa ilang NGO sa bansa. Sila na rin umano ang nagsabi na kaagad nilang…
Read More