PREPOSITIONED GOODS NG DSWD, DAPAT NANG GAMITIN

HINIMOK ni Senador Koko Pimentel ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na gamitin na ang kanilang prepositioned goods para maayudahan ang mamamayan sa gitna ng umiiral na enhanced community quarantine sa Luzon bunsod ng COVID-19. “We should wake DSWD up! Gamitin na nila yun prepositioned goods nila. In “theory” meron niyan. Now is the time to show na totoo ang theory,” saad ni Pimentel. Sa panig anya ng Philippine National Police, dapat panatilihin nito ang pagpapatupad ng batas para sa kaayusan ng komunidad. Iginiit din ni Pimentel na…

Read More

PDU30: MANGGAGAWA, HUWAG TANGGALIN

INIUTOS ni Pangulong Rodrigo Duterte sa lahat ng pribadong kumpanya na walang tatanggaling manggagawa sa panahon ng isang buwang implementasyon ng “enhanced community quarantine” sa buong Luzon dulot ng pandemyang novel coronavirus 2019 o COVID – 19. Ang utos ni Duterte ay nakasaad sa inilabas niyang gabay hinggil sa “basic do’s and dont’s” ng pamahalaan sa panahong bawal lumabas ng bahay ang mamamayan maliban kung napakahalaga ng dahilan sa paglabas, banggit ni Cabinet Secretary Karlo Alexei Nograles. Ani Nograles, dapat magkaroon ang mga kumpanya ng kanilang plano upang magampanan ng…

Read More

KONGRESO MAGSASAGAWA NG SPECIAL SESSION PARA SA COVID 19 

NAKATAKDANG magsagawa ng special session ang Kongreso upang talakayin ang mga bagay na dapat paghandaan kasama na ang paglalaan ng sapat na pondo para sa paglaban sa COVID 19. Batay na rin ito sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte upang matiyak na hindi kakapusin ang gobyerno ng budget sa anomang pangangailangan makaraang ideklara na ang state of calamity sa bansa. Ayon kay Senate President Tito Sotto, hinihintay na lamang nito ang pormal na direktiba ng Pangulo at pagsang-ayon ng mga kasamahan upang isagawa ang special session, bukas, March 21. Kabilang aniya…

Read More

PROBLEMA SA HULOG NG TNVS IDUDULOG SA BSP

IDUDULOG ng gobyerno sa Bangko Sentral ng Pilipinas ang problema ng mga nasa Transportation Network Vehicle Services o TNVS na isa sa mga pinagbabawalang mamasada ngayong umiiral ang community quarantine. Sa harap na rin ito ng tanong ng mga taga-TNVS kung saan nila huhugutin ang kanilang monthly amortization para ipambayad sa sasakyang inutang sa bangko. Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Alexie Nograles, kanilang idudulog sa BSP ang sitwasyon at mula duon ay madetermina kung paano matutulungan ang mga tsuper ng TNVS. Naniniwala si Nograles na mahahanapan ng solusyon ang iba…

Read More

ABUSADONG SUPPLIER SA MAYNILA SINALAKAY

SINALAKAY ng magkasanib na puwersa ng Department of Trade and Industry (DTI) at PNP-Criminal Investigation and Detection Group ang isang tindahan ng medicalsupplies sa Maynila dahil sa reklamong hoarding at overpricing. Nabatid na nakatanggap ng mga reklamo ang DTI hinggil sa overpricing sa ilang mabentang supplies ngayon kaugnay ng coronavirus. Kaya’t naglatag ng plano ang DTI at CIDG Anti-Fraud and Commercial Crimes Unit at gamit ang isang asset ay nadiskubre na sobrang mahal ng benta ng alcohol sa inirereklamong tindahan. Ang 60ml na bote ng alcohol na dapat ay P17…

Read More

COVID-19 NAIPAPASA SA HANGIN – REP. GARIN

MALAKI ang posibilidad na mahawa ang mga healthcare worker (HCWs) sa COVID-19 matapos kumpirmahin ng World Health Organization (WHO) na airbone ang transmittal ng COVID-19. Ito ang nabatid kay dating Health secretary at ngayo’y Iloilo Rep. Janette Garin kaya lalong dapat makipagtulungan ang mga publiko upang hindi makahawa lalo na’t kinumpirma ng WHO na nagtatagal ng hanggang walong oras sa hangin ang COVID-19. “Our experience re MERSCOV and EBOLA, maraming health workers ang nahahawa. Example, when the Philippines merscov patient in 2015 got admitted, pangalawangpasyente ‘yung doctor niya and the…

Read More

30-DAY “NATIONAL PAYMENT HOLIDAY”

KASUNOD ng pagpayag ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na iurong ang deadline sa paghahain ng Income Tax Return (ITR) sa Mayo 15, 2020, iginiit sa Kamara na magpatupad ng isang buwang tax holiday sa lahat ng uri ng bayarin. Ginawa ni Quezon City Rep. Precious Hipolito ang nasabing suhestiyon matapos isailalim ni Pangulong Rodrigo Duterte ang buong bansa sa State of Calamity sa loob ng anim na buwan. “Since President Duterte has placed the country under a state of calamity for six months, I am proposing a national payment…

Read More

BABALA SA MGA OPISYAL NG BARANGAY TAMAD KAKASUHAN NG DILG

KAKASUHAN ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga tatamad-tamad na barangay officials na hindi susunod sa kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagpapatupad ng enhanced community quarantine para labanan ang pagkalat ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa mga komunidad. Ito ang babala ni DILG Undersecretary Jonathan Malaya makaraang makakuha ng impormasyon na may mga barangay official na takot lumabas ng kanilang tahanan at ayaw magtrabaho. “Iyong iba po imbes na gumalaw, nasa social media, kung anu-anong sinasabi. Pero iyong iba naman, noong isang araw pa may…

Read More

MARSO 22 IPINADEDEKLARANG NATIONAL DAY OF PRAYER

HINIMOK ng House Leadership si Pangulong Rodrigo Duterte na ideklara ang Marso 22, (Linggo) bilang National Day of Prayer sa gitna ng kinahaharap ng buong bansa sabanta ng coronavirus disease 2019 (COVID-19). SA isang liham na ipinadala ng Kamara sa Malacañang, sinabi ni House Speaker Alan Peter Cayetano na panahon na para magkaisa ang bawat Filipino sa panalangin. “As we continue to brave through the days ahead of us, the House of Representatives respectfully calls on the President to declare a National Day of Prayer on Sunday, 22 March 2020.…

Read More