7 POSITIBO SA COVID-19 SA CAVITE

CAVITE – Umakyat na sa pito ang bilang ng mga nagpositibo sa Corona Virus (COVID)-19 sa lalawigan ito, matapos ang ulat na isang 44-anyos na babae mula sa Dasmarinas City, ang dinapuan din ng nasabing sakit. Sa kanyang facebook account, sinabi ni Governor Jonvic Remulla na ang pang-7 kaso ng COVID sa Cavite ay kasalukuyang ginagamot sa Research Institute of Tropical Medicine ( (RITM). Samantala, idineklara naman ng Department of Health (DOH) na nakarekober sa sakit ang kauna-unahang naitalang positibo sa COVID-19 sa Cavite. Sa DOH COVID-19 Case bulletin #005,…

Read More

74-ANYOS LOLA PATAY SA KAWATAN

NATAGPUANG patay ang isang 74-anyos na biyuda sa loob ng kanyang bahay sa Paranaque City. Hinala ng pulisya, pagnanakaw ang motibo sa pagpatay sa biktimang si Sonia Moral. Ayon sa ulat ng Southern Police District, nagtungo sila sa bahay ni Moral sa Marcelo Green Village makaraang sabihin ng kapitbahay na hindi na ito sumasagot sa mga tawag. Nang pasukin ng pulis, natagpuan ang walang buhay na biktimang tadtad ng saksak. Pagnanakaw ang hinihinalang motibo dahil nagkalat ang mga pekeng alahas sa sahig. Mag-isa lang na naninirahan ang biktima at kinukumusta…

Read More

MPD PINAKIKILOS VS BATANG KALYE

ILANG residente ng Maynila ang nagmalasakit na iparating sa pamunuan ng Manila Police District (MPD) ang pang-aabusong ginagawa ng mga batang kalye sa mga taong hindi nagbibigay ng limos sa kanila. Ilan sa mga inireklamo ay iyong mga nagkalat na batang kalye sa kanto ng Taft at Quirino Avenues, malapit sa istasyon ng LRT. Mayroon ding nakitang mga batang kalye sa kanto ng Taft Avenue at San Andres. Ayon sa mga nagmalasakit na residente, nanghaharang ang mga bata at kanilang mga kasamang mas matanda sa kanila at namimilit sa mga…

Read More

2 OSPITAL SA NCR EXCLUSIVE SA COVID-19 PATIENTS

IKINOKONSIDERA ng Department of Healt na gawing ‘exclusive facility’ ang dalawang ospital sa NCR na siyang tatanggap sa mga pasyenteng nagpositibo sa COVID-19, ayon kay Health Secretary Francisco Duque. Ang Philippine General Hospital sa Maynila at Jose N. Rodriguez Memorial Hospital sa Caloocan ang ikinokonsidera ng kalihim na tatanggap ng ‘crucial task’ sa gitna ng public health emergency sa bansa. Ayon pa sa kalihim, kailangan ang naturang “specialized health facilities” dahil magugulo pa ang ibang serbisyo ng mga ospital dahil sa COVID-19. Nauubusan na rin aniya ng mga hospital staff…

Read More

P27-B FOOD BUDGET APRUB SA KONGRESO

TINIYAK ni Senate President Vicente Sotto III na magsasagawa ng special session ang Senado upang ipasa ang P27 bilyon na magsisilbing food budget para sa milyun-milyong mahihirap habang ipinatutupad ang enhanced community quarantine sa Luzon. Ani Sotto, ang naturang halaga ay ipamamahagi sa mga manggagawang nawalan ng kita simula nang ipatupad ang community quarantine sa National Capital Region (NCR) nitong Marso 15 hanggang ginawang enhanced community quarantine na sinakop na ang buong Luzon. Ang enhanced quarantine ay tatagal hanggang Abril 14 alinsunod sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte. Ayon kay…

Read More

NBI: Pekeng nakawan, holdapan ‘wag nang i-post PASIMUNO NG FAKE NEWS TUTUGISIN

NAGBABALA ang National Bureau of Investigation (NBI) sa mga nagpapakalat ng ‘fake news’ na kanila itong hahabulin at sasampahan ng kaso dahil sa paghahasik ng kaguluhan at pangamba sa publiko. Pinakilos na ni NBI Officer-in-Charge Director Eric Distor ang Cyber Crime Division (CCD), ang Digital Forensic Division at iba pang Investigative units, kabilang ang mga Regional Operations Service para i-trace ang mga taong nagpakalat ng mga pekeng balita sa social media. Kabilang sa mga kumakalat ay ang mga post ukol sa bantang pagnanakaw, looting, panghoholdap at akyat-bahay ng mga nawalan ng pagkakakitaan habang ipinatutupad ng ‘enhanced community quarantine’ sa buong  Luzon. Iginiit ni…

Read More

Para mapakain ang 6.9-M “no work-no pay employees GOBYERNO GUGUGOL NG P65-B

MANGANGAILANGAN ang gobyerno ng P65 Billion para mapakain ang may 6.9 milyong ‘no work-no pay’ employees sa buong Luzon sa loob ng 23 araw. Ito ang pagtatayang ginawa ng Minorya sa mababang kapulungan ng Kongreso sa gitna ng pagkukumahog ng gobyerno at mga local government unit (LGUs) na mapakain ang kanilang mga constituent na nawalan ng hanapbuhay dahil sa enhanced community quarantine. Ayon kina House minority leader Bienvenido Abante, kailangang mabigyan ng tig- P9,420 ang bawat contractual employees at ibang manggagawa na hindi sumasahod kung hindi papasok sa trabaho. Kasya…

Read More

Rep. Nograles pabor sa special session sa Kamara AYUDA SA MAHIHIRAP MADALIIN

SINANG-AYUNAN ni Rizal 2nd District Rep. Fidel Nograles ang panawagan ni Pangulong Rodrigo Duterte na magsagawa ng special session ang Kongreso upang tugunan ang krisis na dulot ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa. Bukod dito, kailangan din nilang gumawa ng dagdag na mekanismo para matulungan ang mahihirap na limitado ang kakayahan na harapin ang panganib na dala ng nasabing sakit. “Suportado natin ang panawagan na special session, unang-una para maaksyunan ang supplemental budget na hinihingi ng Department of Health para matugunan ang COVID- 19,” ayon kay Nograles. Inaprubahan noong…

Read More

Kapag nagpositibo si Sec. Duque PDU30 MULING SASAILALIM SA COVID-19 TEST

TINIYAK ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeirie na irerekomenda ng Department of Health (DoH) na muling sumailalim sa COVID-19 test si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sakaling magpositibo si Health Secretary Francisco Duque III. Ayon kay Usec. Vergeirie, standard procedure na isailalim sa pagsusuri ang sinomang indibidwal na nakahalubilo ang isang COVID-19 positive. Sa ngayon aniya ay nananatiling asymptomatic si Secretary Duque at ginagampanan ang kanyang tungkulin sa pamamagitan ng online administration system. Sinabi ni Usec. Virgirie na matapos ma-expose si Secretary Duque sa isang senior DOH official na positibo sa…

Read More