DOLE, OBRERO AT NEGOSYANTE  DAPAT MAGKAISA VS COVID-19

NANAWAGAN kahapon ang Nagkaisa Labor Coalition sa Department of Labor and Employment (DOLE) na ipatawag ang National Tripartite Industrial Peace Council (NTIPC) upang epektibong maharap ang epekto ng novel coronavirus o COVID – 19 sa mga obrero at negosyante. Ayon kay Atty. Jose Sonny Matula, tagapangulo ng Nagkaisa, kailangang magpatawag ng “emergency meeting” ng NTIPC si Labor Secretary Silvestre Bello III upang magkasamang talakayin ng kinatawan ng pamahalaan, manggagawa at negosyante ang epekto ng COVID-19 sa “labor and employment perspective.” “Workers, who are the majority of our populace, are facing…

Read More

BUKAS ANG SLEX AT STAR TOLLWAY – SMC TOLLWAYS

tollfee12

PINABULAANAN ng SMC Tollways ang kumakalat na balita sa social media na sarado ang South Luzon Expressway at STAR Tollway sa Batangas. Sa pahayag ng SMC Tollways nitong Miyerkoles ng umaga, sinabi na mananatiling bukas ang dalawang expressway at ang NAIAX at patuloy na madadaanan ng mga motorista. Ayon pa sa tollway group, nakikipag-ugnayan rin sila sa Philippine National Police, Armed Forces of the Philippines, Department of Health at sa iba pang mga pangunahing ahensya ng gobyerno at handang tumulong sa anomang mga pangangailangan para maipatupad ang umiiral na enhanced…

Read More

LOCKDOWN SA TAGUIG SIMULA NGAYONG HATING GABI.

Ipinag-utos ng Taguig City Government ang lockdown sa lungsod simula ngayong hating gabi bilang hakbang sa pagpigil sa pagkalat ng 2019 coronavirus disease (COVID-19). Ang kautusan ni Mayor Lino Cayetano ay para sa kaligtasan ng lahat ng mamamayan at negosyante at para mapigilan na rin ang pagkalat ng sakit. Tanging deliveries ng mga pangunahing pangangailangan at suplay ang pwedeng makapasok sa lungsod simula ngayong alas 12 ng hatinggabi. Gayunman, siniguro ng pamahalaang lungsod sa mga tao na mananatiling bukas ang supermarkets, groceries, convenience stores at bangko. Sinabi ni Cayetano na papayagan…

Read More

BASURERO, MAGTATAHO, AYUDAHAN

HINIKAYAT ni Senador Grace Poe ang gobyerno na isama sa kanilang programa para sa pagbibigay ng ayuda sa krisis sa COVID 19 ang mga informal sector tulad ng mga basurero, magtataho at iba pang maliliit na nagtitinda. Ipinaalala ni Poe sa Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infections Disease, higit kailanman, mas nasa panganib ngayon ang informal economy. “Yung mga nangongolekta ng basura, nagbebenta ng taho at fishball, pati na rin ang mga tricycle at jeepney drivers, street-sweepers at construction workers–sila ang pinaka tatamaan ng enhanced community…

Read More

MABISANG PAGTUGON VS COVID-19

PEKTIBO ang pagkakaroon ng Enhanced Community Quarantine upang mapigilan ang pagkalat ng COVID-19. Ito ang paniniwala ni Marikina City 2nd District Congresswoman Stella Quimbo kaya suportado umano niya ang ECQ na ipinatupad ng pamahalaan. Ayon kay Rep. Quimbo, base sa karanasan ng ibang bansa, ang “stay at home” policy ang pinakamabisang hakbang sa pagsugpo sa nakamamatay na coronavirus. Sinabi ng mambabatas na kailangang tanggapin na hindi magiging perpekto ang implementasyon nito subalit mas nakabubuting tumulong na lang sa mga solusyon. “Sa ngayon, kailangan nating tugunan ang mga lumalabas na problema…

Read More

LIBRENG SAKAY SA MGA STRANDED

INATASAN na ni Department of National Defense (DND) Secretary Delfin Lorenzana ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na ilabas ang kanilang army trucks para sunduin at ibiyahe ang mga mamamayan na stranded lalo na ang health workers at iba pang indibidwal na exempted mula sa ban. Ito ay upang ligtas na makarating ang mga ito sa lugar na kanilang pinapasukan o bahay na inuuwian. Sinabi ni Presidential spokesperson Salvador Panelo na nakarating sa kaalaman ng Malakanyang ang balita ukol sa kalagayan ng mga manggagawa at empleyadong stranded mula sa…

Read More

P139-M GAGAMITIN SA PAGLABAN SA COVID-19

NAGSANIB-PWERSA ang United States medical specialist at Department of Health para labanan ang pagkalat ng coronavirus disease o COVID-19 sa Pilipinas. Sa inilabas na impormasyon kahapon ng U.S. Embassy sa Pilipinas, naglaan ang  U.S. government ng mahigit Php139 million ($2.7 million) para ayudahan ang Department of Health (DOH) sa paglaban sa COVID-19. Nabatid na ang U.S. government, sa pamamagitan ng U.S. Agency for International Development (USAID), ay makikipagtulungan sa kanilang Philippine counterparts para magtatag at magpatupad ng internationally-recognized infectious disease threat prevention at response strategies, at enhanced infection control. Layunin…

Read More

CAVITE, QUEZON ISINAILALIM SA STATE OF CALAMITY

NASA ilalim na ng enhanced community quarantine at state of calamity ang buong lalawigan ng Cavite mula March 17 hanggang April 14, 2020 gayundin ang lalawigan ng Quezon. Sa Cavite, magpapatupad din ng curfew mula alas-8:00 ng gabi hanggang alas-5:00 ng umaga. Sa Executive Order No. 10 na pinirmahan ni Cavite Governor Jonvic Remulla, inuutusan ang lahat ng residente sa lalawigan na tumigil na lamang sa kanilang bahay at maaari lamang lumabas kung magtatrabaho, bibili ng gamot at pangunahing pangangailangan o magpapatingin sa doktor. Exempted sa curfew ang mga panggabing…

Read More

RENTA, BILLS PINASUSUSPINDE NI PDUTERTE

duterte22

NANAWAGAN si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga may-ari ng mga paupahan at negosyo tulad ng tubig at kuryente na huwag munang singilin ang kanilang mga kostumer habang nasa ilalim ng enhanced community quarantine ang buong Luzon. Kagabi ay inanunsyo ni Pangulong Duterte ang enhanced community quarantine at magtatapos ito sa Abril 12, 2020. Sinabi pa ng pangulo na bilang mga Filipino ay isantabi muna ang hindi pagkakaunawaan sa halip ay magkaisa at magtulungan ngayong panahon ng krisis dahil sa coronavirus. Kasabay nito, pinakausapan din niya ang mga pribadong kumpanya na…

Read More