ISIS-ASG MEMBER PATAY SA PNP-AKG

ISANG kasapi ng ISIS influenced Abu Sayyaf Group na sangkot sa pagdukot ng isang Indonesian national kidnap for ransom victim, ang napatay ng mga tauhan ni Philippine National Police-Anti Kidnapping Group Director P/BGen. Jonnel C. Estomo noong Sabado ng umaga sa Brgy. Musso, Tungawan, Zamboanga Sibugay Province. Ayon kay Gen. Estomo, bandang alas-5:34 ng umaga, sinalakay ng kanyang mga tauhan ang pinagtat aguan ni Salip Adzhar Alidjan alyas “Aya,” isang ISIS-ASG kidnap for ransom group member, sa Brgy. Musso, bayan ng Tungawan. Subalit natunugan umano ng suspek ang paglapit ng…

Read More

Biktimang menor de edad sa CDO, tinakasan AMANG ‘RAPIST’ TIMBOG SA MANILA

HINDI sukat akalain ng isang 49-anyos na ama ng tahanan, na matutunton ito sa lungsod ng Maynila makaraang magtago ng isang taon matapos gawan ng kahalayan ang sariling anak na menor de edad sa Cagayan De Oro City. Arestado ng magkasanib na puwersa ng Manila Police District at ng Philippine National Police Provincial Regional Office 10, ang suspek na si Rommel Daytia, checker, nanirahan sa #2288 sa panulukan ng Rodriguez at Guidote streets, Balut, Tondo, Manila. Ayon sa ulat ni P/Major Rommel Anicete, hepe ng Criminal Investigation & Detection Unit…

Read More

P105-K SHABU NASABAT SA 2 TULAK

MAHIGIT P100,000 halaga ng shabu ang nakumpiska sa dalawang hinihinalang tulak na nadamba sa buy-bust operation sa Navotas City nitong Linggo ng madaling araw. Kalaboso ang mga suspek na sin a McArthur Mena, 21, ng H. Monroy St., Brgy. Navotas West, at April Antonio, 34, ng Brgy. Concepcion, Malabon City. Ayon sa pulisya, may nagtimbre hinggil sa pagtutulak umano ng ilegal na droga ni Mena kaya’t minatyagan nila ito. Nang makumpirma ang tip, ikinasa ang operasyon kontra sa suspek malapit sa kanyang bahay na nagresulta sa pagkakadakip dito kasama si…

Read More

BAN SA CAROLING SUPORTADO NG JTF COVID SHIELD

NGAYON pa lang ay inihayag na ng Joint Task Force COVID Shield na kanilang sinusuportahan ang panukalang ban o pagbabawal sa pangangaroling ng kabataan ngayong Yuletide season sanhi ng nararanasan pa rin pandemya dala ng coronavirus sa bansa. Ayon kay P/Lt. General Guillermo Lorenzo Eleazar, commander ng JTF COVID Shield, inaantabayanan na nila ang magiging desisyon ng Inter-Agency Task Force on the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID) kaugnay sa panukalang caroling ban. “Caroling has always been part of the Filipino tradition, I believe each and every one of us…

Read More

SENADO HINIMOK IPASA ANG DDR

ITINUTURING na panibagong “wake up call” sa gobyerno ang pagkamatay ng 20 katao sa Bicol na biktima ng Bagyong Rolly, kaya naman nanawagan ang isang mambabatas sa Senado na ipasa na ang kinakailangang Department of Disaster Resilience(DDR). “Ilan pang buhay ang kailangan na masakripisyo bago umakto ang Senado?” tanong ni Albay Rep. Joey Salceda sa harap na rin ng patuloy nitong pagtutol na ipasa ang DDR na una nang sinertipika bilang urgent bill ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang State of the Nation Address (SONA) at naipasa na rin sa…

Read More

Malakanyang binati si US President-elect Biden AMERICAN DREAM NG PINOY NABUHAY

BUHAY na naman ang “American Dream” ng mga Pilipino matapos mahalal na pangulo ng United States (US) si dating Vice President Joseph “Joe” Biden. Umaasa si House deputy speaker Johnny Pimentel na ang naudlot na ambisyon ng maraming Pilipino na makapagtrabaho sa Amerika ay muling magkakaroon ng katuparan sa ilalim ng Biden administration. “There’s no question the anti-immigration policies of the outgoing administration of President Donald Trump made it more difficult for many foreigners, including Filipinos, to participate in America’s labor markets through all sorts of visa restrictions,” ani Pimentel.…

Read More

IKA-90 MALASAKIT CENTER INILUNSAD SA CALOOCAN

INILUNSAD na ang ika-90 Malasakit Center sa bansa nitong Biyernes, sa Dr. Jose N. Rodriguez Memorial Hospital and Sanitarium sa Caloocan City. Ito na ang ika-17 Malasakit Center sa Metro Manila at ika-46 naman sa Luzon. Sinaksihan mismo ni Senator Christopher ‘Bong’ Go, chairperson ng Senate Committee on Health and Demography, ang okasyon. “Itong Malasakit Center po ay para sa lahat ng Pilipino. Walang pinipili ito, walang pulitika ito. Para po ito sa lahat lalo na ang poor and indigent patients. Handa pong tumulong ang Malasakit Center sa kanilang medical…

Read More

SM MALLS UMAYUDA SA MGA APEKTADO NG BAGYONG ROLLY

Naging bukas ang SM malls sa Metro Manila at Luzon para sa mga stranded ng bagyong Rolly na humagupit sa Bicol at Southern Luzon regions sa nagdaang linggo. Agad ding hindi pinatupad ang overnight parking charges bilang malasakit sa ating mga kababayan. Gayundin, nagkaroon ng free WiFi, charging stations, at nagtayo ng isang help desk para sa inisyatibang ito. “Our malls in typhoon-hit areas will remain open to those who need shelter. Rest assured that we will extend as much relief assistance as we can to help rebuild our communities,”…

Read More

EX-NPA NA MAY KASONG MURDER TIMBOG SA PNP-AKG

NEGROS OCCIDENTAL – Isang dating kasapi ng communist New People’s Army na may kasong murder at frustrated murder, ang nadakip ng mga tauhan ni Philippine National Police – Anti-Kidnapping Group Director P/BGen. Jonnel C. Estomo noong Biyernes ng hapon sa lalawigang ito. Ayon kay P/BGen. Estomo, bandang alas-5:30 ng hapon, sinalakay ng mga tauhan ng PNP-AKG Visayan Field Unit, na pinamumunuan ni P/Col. Salvador T. Alacyang, ang pinagtataguan ng suspek na kinilalang si Nory Arquener Solinap sa Barangay Ma-oa, Bago City, Negros Occidental. Sa impormasyong ibinahagi ni P/Maj. Ronald Lumactod,…

Read More