150 QUARRY TRUCKS BINARIKADA SA TOLL GATES NG NLEX

IBINALANDRA ng mga Pampanga quarry-based hauler ang 150 naglalakihang 12-wheeler at 14-wheeler dump trucks sa mga toll gate ng North Luzon Expressway (NLEx) bilang protesta sa ipinatutupad na truck ban sa mga overloaded na malalaking truck nitong Sabado ng umaga. Ang barikada ay nagdulot ng mahigit isang oras na pagkaparalisa ng daloy ng trapiko. Tinututulan ng grupo ang nasabing polisiya ng NLEX Corporation kung saan pansamantalang hindi pinadadaan ang mga quarry truck o dump truck sa loob ng nasabing expressway sanhi ng ongoing  major rehabilitation sa bahagi ng 5-kilometer Candaba…

Read More

6 NPA SUMUKO SA MILITAR

MAGUINDANAO – Anim na mga rebeldeng [Communist Party of the Philippines (CPP) – New People’s Army (NPA) – Terrorist] CNT ang sumuko sa militar at nagbalik loob sa pamahalaan sa Barangay Mirab, Upi, Maguindanao, iniulat nitong Sabado. Malaking kawalan para sa humihinang kilusan ng teroristang grupo ang patuloy na pagsuko at pagbalik loob sa pamahalaan ng kanilang mga kasapi. Ito ang sinabi ni Major General Juvymax R. Uy, commander ng 6th Infantry Division at ng Joint Task Force Central matapos ang sunod-sunod na pagsuko ng mga dating rebelde sa lugar…

Read More

SENADO, ‘ON-SCHEDULE’ SA 2021 BUDGET

TINIYAK ni Senate Committee on Finance Chairperson Sonny Angara na nakasusunod ang Senado sa tamang schedule para sa pagtalakay sa panukalang 2021 national budget upang matiyak na maisasabatas ito bago matapos ang taon. Sinabi ni Angara na iisponsoran na niya sa plenaryo ng Senado sa Martes, November 10 ang panukalang budget upang masimulan na ang debate sa Miyerkoles. Aminado ang senador na maraming amendments na ipinasok ang iba’t ibang sub-committee ng Finance Committee sa panukalang budget na malayo rin sa ipinasang General Appropriations Bill ng Kamara. Gayunman, hindi pa masabi…

Read More

POSITIBO SA COVID SA REGION 12, 3K NA

NORTH COTABATO – Mahigit sa tatlong libo na ang nagpositibo sa COVID-19 sa buong Region 12. Ito ay makaraang maitala ng Department of Health ang 57 bagong pasyente sa COVID-19 tracker. Dahil dito, mayroon nang 3,068 confirmed cases ang Soccsksargen. May 48 pasyente naman ang gumaling at nakauwi na sa kanilang mga tahanan mula sa isolation centers. Kaya hanggang noong Biyernes ng gabi, ang total number ng recovered patients ay umabot na sa 2,285. Dalawa naman ang iniulat na binawian ng buhay. Kabilang sa dalawa ang isang 64 -anyos na…

Read More

PONDO SA ANTI-INSURGENCY CAMPAIGN, ‘WAG NANG PAKIALAMAN – SOTTO

HINIMOK ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III ang iba pang mga mambabatas na huwag nang pakialaman pa ang pondo para sa paglaban ng gobyerno sa mga rebelde. Partikular na tinukoy ni Sotto ang P19 bilyon na pondo para sa operasyon ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) na ipinapanukala ng iba na ilipat na lamang sa calamity fund. “Hindi papayag ang DBM (Department of Budget and Management) na galawin pa ang budget ng Presidente. Payag kami dagdagan ang calamity fund pero hindi dun kukunin. Wag…

Read More

‘NAVY,’ PULIS PATAY SA CAVITE ENCOUNTER

CAVITE – Nauwi sa engkwentro ang ikinasang anti-carnapping operation ng Provincial Highway Patrol Team ng Cavite na ikinamatay ng isang suspek na umano’y Navy, habang isang pulis ang namatay rin at isang sibilyan ang suagatan matapos tamaan ng ligaw na bala noong Biyernes sa Cavite Road, Brgy.8, Pulo, Cavite City. Ayon sa report, nagpapatrolya ang Highway Patrol Team Cavite, na pinangungunahan ni P/Capt. Eduardo Joy Guadamor, kasama sina P/CMS. Julius Arcalas at P/SSG. Emerrson Domingo. Bandang ala-una ng hapon nang may maispatan silang isang Nissan Terra na silver gray na…

Read More

PROSESO SA CASH AID, PINADALI NG DOLE

MAS pinadali na ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang proseso sa mga gustong mag-apply ng tulong pinansiyal lalo na ng mga manggagawang nawalan ng trabaho mula sa formal sector dahil sa epekto ng COVID-19 pandemic. Sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III na sa ngayon ay nakabuo na sila ng online system para mapadali ang pagpasa ng mga aplikasyon ng mga benepisyaryo ng COVID-19 Adjustment Measures Program o CAMP. Dagdag pa niya, bukod sa mas mabilis ang proseso ng aplikasyon, idinisenyo ang online application system para mabawasan ang…

Read More

DALAGITA NASAGIP SA SUICIDE

DAVAO CITY – Nasagip ng mga awtoridad ang isang dalagita na nagtangkang magpakamatay sa pamamagitan ng pagtalon mula sa inakyat niyang tower sa Batulosa, Toril, nitong lungsod noong Biyernes ng madaling araw. Hatinggabi nang inakyat mg biktima ang tower gamit ang kahoy na hagdanan upang maabot nito ang tuktok ngunit agad itong napansin ng isang residente na tumawag sa mga awtoridad. Agad namang dumating ang rescue team ngunit umabot pa sa ilang sandali bago nakumbinsi ang biktima na bumaba sa tower. Napag-alaman na plano ng biktima ang pagpapatiwakal dahil nag-post…

Read More

RENEWABLE ENERGY SA GITNA NG PANDEMYA ISINULONG

NANAWAGAN si Senador Win Gatchalian sa gobyerno na samantalahin ang potensyal ng renewable energy sa bansa habang patuloy na bumababa ang paggamit ng coal mula nang magkaroon ng pandemya dulot ng COVID-19. “Ito na ang tamang pagkakataon para itaguyod ang paggamit ng renewable energy dahil napatunayan natin sa mga nakaraang buwan na dumami ang mga gumagamit ng solar, geothermal, at biomass,” ayon sa chairman ng Senate Energy Committee. Suportado ni Gatchalian ang hakbang ng Department of Energy (DOE) na magpataw ng moratorium sa coal at binigyang diin niya ang kahalagahan…

Read More