HATOL SA MAG-ASAWANG TIAMZON, GINAGALANG NG PALASYO

GINAGALANG  ng Malakanyang ang naging desisyon ng Quezon City Regional Trial Court na hatulan ng Reclusion Perpetua o habambuhay na pagkabilanggo ang mag-asawang Benito at Wilma Tiamzon dahil sa krimeng nangyari noong 1988.

“The long arm of the law has finally caught up with the Tiamzon couple.  We therefore consider this latest court decision as a triumph of the justice system,” ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque.

Malinaw lamang na ipinakikita sa bansa na patuloy na umiiral ang katarungan.

Nauna rito, kinumpirma ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Public Affairs Office Chief Navy Capt. Jonathan Zata ang hatol batay sa dokumentong kanilang nakuha sa korte.

Hinatulan ang mag-asawa, “in absentia,” ng 40 taong pagkakakulong at pagbabayad ng mahigit ₱200,000 danyos perwisyo sa complainant na si Lt. Abraham Claro Casis.

Una nang nakalaya ang mag-asawang Tiamzon noong 2016 matapos makapaglagak ng ₱100,000 piyansa upang makasama sa usapang pangkapayapaan sa pagitan ng pamahalaan at ng CPP-NPA-NDF.

Subalit muli silang ipinaaresto ng hukuman matapos ibasura ni Pangulong Duterte ang peacetalks at ipawalang bisa ang Joint Agreement on Safety and Immunity Guarantees o JASIG.

Bukod sa kidnapping, kinasuhan din ng multiple murder ang mag-asawang Tiamzon nang madiskubre ang ginawa nilang mass grave sa Leyte noong dekada 80. (CHRISTIAN DALE)

223

Related posts

Leave a Comment