MARIING iniutos ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso na lagyan ng closed circuit television (CCTV) camera ang lahat ng court rooms sa lungsod ng Maynila. Ito ay matapos ang pakikipagpulong ng alkalde sa mga bagong hukom na itinalaga sa Manila Regional Trial Court (RTC) at napag-usapan ang ilang mga hakbang upang maprotektahan ang mga hukom at mga kawani ng RTC at Metropolitan Trial Court (MTC). Sa nasabing pulong, inihayag ng alkalde ang paglalagay ng CCTV cameras bilang dagdag-proteksyon. Layunin din ng mga CCTV camera na ma-monitor ang mga nangyayari…
Read MoreMonth: November 2020
HEALTH WORKERS NAGKASA NG ‘BLACK FRIDAY’ PROTEST
NAGSAGAWA ang grupo ng health workers ng ‘Black Friday’ protest sa harap ng Philippine General Hospital (PGH) sa Taft Avenue, Ermita, Manila para hilinging maibigay na sa kanila ang kanilang mga benepisyo. Bandang alas-12:30 ng tanghali nang magsagawa ng kilos-protesta ang health workers na mga miyembro ng UP Workers Union. Ayon sa grupo, hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa ibinibigay ang kanilang Special Risk Allowance, ang kanilang COVID 19 hazard pay at iba pang benipisyo. Bitbit ang mga placard, lumabas ng PGH ang health workers at isinigaw ang kanilang mga…
Read MoreMAG-ASAWANG TIAMZON GUILTY SA KIDNAPPING
IKINAGALAK ng pamunuan ng Armed Forces of the Philippine ang ibinabang hatol na reclusion perpetua sa mag-asawang Benito at Wilma Tiamzon ng Quezon City Regional Trial Court kaugnay sa kasong pagdukot sa isang army officer. Ito ang kinumpirma ni AFP Public Affairs Office Chief Navy Capt. Jonathan Zata batay sa dokumentong kanilang nakuha mula sa korte kung saan ginawaran ang mag-asawa ‘in absentia’ ng reclusion perpetua o 40- taong pagkakakulong at pagbabayad ng mahigit P200,000 danyos sa complainant na si Lt. Abraham Claro Casis. “The conviction of the Tiamzons is…
Read MoreDA naglabas ng SRP sa agri goods PRESYO NG BILIHIN TULOY SA PAGSIRIT
NAGPALABAS ng bagong Suggested Retail Prices (SRP) ang Department of Agriculture (DA) para sa pangunahing agricultural commodities na ibinebenta sa Metro Manila sa wet markets, ngunit isinama rito ang supermarkets para maproteksiyunan ang mga konsumer. Ang updated SRP ay nakapaloob sa DA Administrative Circular (AC) No. 17 na nilagdaan ni Agriculture Secretary William Dar noong Nobyembre 26. Ito ay magsisilbing panuntunan ng retailers at consumers sa gitna ng Luzon-wide price freeze na ipinatutupad dahil sa pandemic at mga kalamidad na nanalasa sa bansa. Ang DA-AC 17 ay nagpapawalang bisa sa…
Read MoreHirit ni Sen. Imee Marcos KADIWA ROLLING STORES DAGDAGAN
MABABASAWAN ng gobyerno ang hirap nitong ikontrol ang presyo ng pangunahing mga bilihin kung agad nang ikakasa at dagdagan ang Kadiwa rolling stores nito, ayon kay Senator Imee Marcos. Sampung araw nang walang magawa ang Department of Agriculture (DA) at Department of Trade and Industry (DTI) sa nagtaasang presyo sa mga palengke, mula nang ideklara ni Presidente Duterte ang state of calamity sa buong Luzon dahil sa hagupit ng bagyong Ulysses. “Puro matatamis na salita lang ang napapala natin mula sa DA at DTI. Walang natutupad na price control,” ayon…
Read MoreLACSON PABOR SA PAGBUWAG NG PITC
NANINIWALA si Senador Panfilo Lacson na kailangan nang buwagin ang Philippine International Trading Corporation (PITC) bilang “procurement agency” ng pamahalaan ng iba’t ibang kalakal tulad ng gamot at bigas dahil matagal nang walang silbi ang ahensiya. Idiniin ni Lacson na wala nang silbi ang layunin ng PITC mula nang itatag ang “government procurement service” (GPS) ng Department of Budget and Management (DBM). Ang GPS ng DBM ang ginamit na ahensiya nang bumili ang administrasyon ng coronavirus disease testing kits mula sa China. Binanggit ni Lacson na makatitipid ang pamahalaan mula…
Read MoreTRAPIK!!!!!!!!!
ISA sa ipinangako ni Pangulong Rodrigo Duterte na problemang kanyang tatapusin sa loob ng tatlo hanggang anim na buwan kapag siya ay nanalong pangulo ay ang problema ng trapiko sa Metro Manila. Sawang sawa na ang mga tao sa trapik sa Metro Manila dahil sa lansangan na lamang nauubos ang kanilang libreng oras kaya bawas ang kanilang panahon sa kanilang pamilya. Dahil sa pangakong ito ng Pangulo kasama na ang pangakong tatapusin ang problema sa droga, ay nakakuha siya ng malaking boto sa Metro Manila dahil ang mga nakaraang administrasyon,…
Read MoreHONEST TO GOODNESS CAMPAIGN VS CORRUPTION
MATUTULDUKAN ang korapsyon kung magiging makatotohanan ang kampanya ng gobyerno laban sa korapsyon. Dapat maalis din ang pamumulitika sa kampanyang ito kasi kung mananatiling may kulay pulitika sa pagtugis sa mga korap na opisyal ay hindi magiging patas ang batas. Kailangan maipatupad ito sa lahat ng tao maging dilawan ka man o mula sa pula basta’t napatunayang nagkasala sa pagnanakaw ng pondo ng gobyerno. Maraming administrasyon na ang nagdaan at nagsabing may kampanya laban sa korapsyon subalit hanggang sa ngayon ay nananatiling malala ang nakawan sa kaban ng bayan. Malakas…
Read MorePangako ni Speaker Velasco, napako SILENT MAJORITY SA KAMARA DISMAYADO
HATI ngayon ang mayorya sa Kamara dahil sa mga napakong pangako ni House Speaker Lord Allan Velasco. Hindi nagustuhan ng mayorya ang pagtanggal ni Velasco sa mga deputy speaker at committee chairman dahil bukod sa taliwas ito sa kanyang sinabi noong unang araw niyang maupo bilang Speaker, ay ang mga tunay na nagtatrabaho at nagpasa ng priority measures ni Pangulong Rodrigo Duterte kabilang ang Bayanihan 1 at 2 ang mga inalis nito sa pwesto. Matatandaang nagbitaw ng salita si Velasco nang maupong House Speaker na “I would implement a different…
Read More