NAGLABAS ng P347 milyon ang Philippine Crop Insurance Corporation (PCIC) bilang “bayad-pinsala” sa mga magsasaka at mangingisdang nasalanta ng tatlong bagyong tumama sa bansa mula Oktubre hanggang Nobyembre.
Ang naturang halaga ay inisyal na halaga mula sa kabuaang P1.5 bilyon na itinakdang ipamamahagi sa mga magsasaka at mangingisda.
Batay sa direktiba ni Agriculture Secretary William Dar, binayaran ng PCIC ang pinsalang dinanas ng 121,000 mga magsasaka at mangingisda mula sa pitong rehiyon na “insured” sa ahensiya.
Ang PCIC ay ahensiyang nasa ilalim ng Department of Agriculture (DA).
Ayon sa PCIC, ang kulang mula sa P347 milyon ay ibibigay sa susunod na sampung araw makaraang makumpleto ang lahat ng kailangang mga dokumento. (NELSON S. BADILLA)
157 