Para protektahan ang Sierra Madre NOGRALES BILL APRUB SA KAMARA

LUMUSOT na sa committee level sa mababang kapulungan ng Kongreso ang panukala ni Rizal Second District Congressman Fidel Nograles na itatag ang Sierra Madre Development Authority (SMDA) upang maproteksyunan ang kabundukan ng Sierra Madre. Sa virtual hearing ng House committee on Government Enterprises and Privatization na pinamumunuan ni Paranaque Rep. Eric Olivares, umani ng suporta ang House Bill (HB) 5634 na inakda ni Nograles, hindi lamang sa Department of Environment and Natural Resources kundi sa mga local officials tulad ni Cagayan Gov. Manuel Mamba. “House Bill Number 5634 is hereby…

Read More

JOB RECOVERY PROGRAM ‘WAG KALIMUTAN – IMEE

NAGBABALA si Senador Imee Marcos na milyun-milyong Pilipino ang mananatiling walang trabaho kung wala pa ring malawakang programa sa job recovery ang maipatutupad kapag aprubado na ang paggamit ng bakuna laban sa COVID-19. Apela ni Marcos, magandang regalo sana ng pamahalaan sa taumbayan kung may nakikitang pag-asa na makababangon sa hirap ng buhay sa pamamagitan ng trabaho. “Da best regalo ngayong Pasko ang balitang may bakuna na sa COVID-19. Ngunit paano na ang kawalan ng trabaho at ang ekonomiya?” tanong ni Marcos. “Na-warningan na tayo na ang krisis sa ekonomiya…

Read More

Sa tahasang paglabag sa 1987 Constitution AJ LEONEN PINA-IIMPEACH

(BERNARD TAGUINOD) ISINAMPA kahapon sa mababang kapulungan ng Kongreso ang impeachment complaint laban kay Supreme Court (SC) Associate Justice Mario Victor F. Leonen. Pormal na inihain ni Edwin M. Cordevilla, FLAG-Maharlika Secretary-General, ang 40 pahinang Verified Complaint for Impeachment laban kay Leonen na isa sa mga appointee ni dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III sa Korte Suprema. Sinamahan si Cordevilla ng kanyang legal counsel na si Atty. Larry Gadon. Agad namang inendorso ni Ilocos Norte Rep. Angelo Marcos Barba ang Impeachment complaint ni Cordevilla, kaya otomatikong ipapasa ito sa House…

Read More

Kinastigo ng anti-communist groups sa pagkiling sa Makabayan bloc VELASCO ‘HUWAD’ NA LIDER

KINASTIGO ng iba’t ibang anti-communist groups at civil society organizations si House Speaker Lord Allan Velasco sa lantaran anilang pagpanig sa mga kalaban ng administrasyong Duterte dahil patuloy itong nagbibingi-bingihan sa matagal nang panawagang imbestigahan ang Makabayan bloc sa koneksyon nito sa CPP-NPA. Inamin ni Hands Off Our Children Founder Gemma Labsan na diskumpiyado sila kay Velasco dahil sa umpisa pa lamang ay nakikita na ang pagiging bias nito sa isyu ng Makabayan bloc, ang kanila umanong tanong sa lider ng Kamara ay kanino ba ito naglilingkod at hindi nya…

Read More

LOCKDOWN SA DEC. 23, FAKE NEWS

NANINIWALA ang Malakanyang na galing sa kalaban ng gobyerno ang kumalat na balita hinggil sa sinasabing ikinakasang lockdown sa buong bansa sa darating na Disyembre 23 hanggang Enero 3 ng susunod na taon. Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque, malinaw na target ng mga nasa likod ng fake news ang galitin ang taumbayan. Giit ni Sec. Roque, halatang-halata na peke ang ipinakalat na balita dahil una nang nag-anunsiyo mismo si Pangulong Duterte sa classification ng quarantine protocol para sa buong buwan ng Disyembre. Aniya, may polisiya ang IATF na hindi…

Read More

PAGDINIG SA PRANGKISA NG DITO GUMULONG SA SENADO

SINIMULAN ni Senador Grace Poe ang paghimay sa hinihinging prangkisa ng Dito Telecommunity at isa pang bagong aplikasyon sa Senado saka inisa-isa ang tatlong problema sa internet connectivity sa bansa upang matutukan ng service provider. Sa kanyang opening statement sa ginanap na pagdinig ng Senate committee on public services, sinabi ni Poe na tinalakay ang aplikasyon sa prangkisa ng bagong telecommunication companies, ang Dito Telecommunity Corporation, dating Mislatel at Instant Data Inc., bagong aplikante. “In this hearing, we will ask Dito and Instant Data how they intend to help improve…

Read More

BINATILYO PINATAY SA BARGE?

CAVITE – Masusing iniimbestigahan ng Cavite Police ang kaso ng natagpuang bangkay ng isang 17-anyos na binatilyo sa loob ng isang barge makaraan itong lumangoy sa ilog sa bayan ng Kawit sa lalawigang ito. Hinihinalang may ilang oras nang patay ang biktimang si alyas “Jhonvic,” ng Brgy. Gahak, Kawit, nang matagpuan ito sa loob ng barge makaraang lumangoy sa ilog sakop ng Brgy. Gahak sa naturang bayan, dakong alas-2:00 ng hapon noong Linggo, ayon sa ulat ni Pat. Troadio Balitaosan ng Kawit Municipal Police. Ayon sa ulat, makalipas ang ilang…

Read More

PULIS, KASABWAT HULI SA BUY-BUST

PAMPANGA – Isang aktibong kasapi ng Philippine National Police at kasama nitong babae ang inaresto ng mga elemento ng Philippine Drug Enforcement Agency nitong nakalipas na linggo sa Angeles City sa lalawigang ito. Sa joint buy-bust operation ng pinagsanib na puwersa ng PDEA Region 1, 3, CALABARZON at Angeles City Police Office, nadakip ang isang patrolman at kasabwat umano nitong babae sa Don Jueco Avenue, Brgy. Malabañas Clark View, Angeles City. Kinilala ni Police Regional Office 3 spokesperson, Lt. Col. Soledad Elefanio, ang nadakip na si Patrolman Jerick Francisco, nakatalaga…

Read More

MIYEMRO NG BASAG-KOTSE, NATUNTON SA OSPITAL

NATUNTON ng mga operatiba ng Manila Police District ang isa sa dalawang kaanib ng tinaguriang “Basag-Kotse” gang, na umano’y naka-engkwentro ng mga tauhan ng Quezon City Police District noong Sabado ng gabi. Base sa ulat ng MPD-Tactical Motorcycle Riding Unit (TMRU) ng Jose Abad Santos Police Statuon 7, sa pangunguna ni P/Master Sgt. Roel Hernandez, natunton ang suspek na si Edrian Limos, 27, residente ng Bagong Pag-asa, Quezon City, sa Manila Central University Hospital (MCU) makalipas ang mahigit kalahating oras matapos maka-engkwentro sa Quezon Avenue (Delta), Barangay Paligsahan, Quezon City.…

Read More