ILLEGAL PARKINGS SA MALABON, WAWALISIN

IPINAG-UTOS ni Malabon police chief, P/Col. Angela Rejano sa lahat na sub-station commander ang pagpapaigting sa road clearing operation kasunod ng mga reklamo hinggil sa illegal parking ng ilang mga sasakyan sa pangunahing mga kalsada sa lungsod. Partikular na binanggit ni Col. Rejano ang pangunahing kalsada sa Barangay Longos at Tonsuya na naging dahilan upang pangunahan ni Police Sub-Station – 5 chief, P/Capt. Carlos Cosme ang pinaigting na clearing operations sa iba’t ibang lugar sa dalawang barangay. Sa koordinasyon sa mga miyembro ng Malabon City Public Safety and Traffic Management…

Read More

NO CONTACT APPREHENSION, INILUNSAD SA MAYNILA

INILUNSAD, sa pangunguna ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso, ang no contact apprehension program (NCAP) ng lokal na pamahalaan, sa pangunahing mga lansangan. Sa isinagawang launching ceremony sa intersection ng Quirino Avenue at Taft Avenue sa Malate, pinaalalahanann ng alkalde ang mga motorista na mag-ingat sa kanilang pagmamaneho para hindi mahuli ng digital traffic eye at pagbayarin ng malaking multa. “With NCAP, panatag ako knowing that traffic violators are always caught and identified, especially sa gabi. Most importantly, even during typhoons or other similar situations, these cameras can function…

Read More

Contact tracing app pinag-ugnay VALENZUELA, PASIG SANIB-PWERSA VS COVID

SIMULA nitong Lunes, Disyembre 7, ang ValTrace App ng Valenzuela City at PasigPass QR codes ng Pasig City ay maaari nang gamitin para makapasok sa mga establisyemento sa dalawang lungsod sa paglalayong pag-isahin ang digital contact tracing solutions ng dalawang lokal na pamahalaan. Ayon sa pahayag ng Valenzuela City, sa panahong ang krisis sa kalusugan ay pambansang alalahanin, ang pamahalaan ng Pasig at Valenzuela ay magkatuwang sa pagpapadali ng mga solusyon para pigilan ang pagkalat ng COVID-19. Ito ay sa pamamagitan ng pinagdugtong na mga sistema at pinakamainam na mga…

Read More

Higanteng facemask, face shield inilagay sa tren FRONTLINERS KINILALA NG LRT-1

KINILALA ng Light Rail Management Corporation (LRMC), operator ng LRT-1, ang serbisyo at tulong ng frontliners sa kasalukuyang panahon ng pandemya, sa pamamagitan ng paglalagay ng higanteng facemask at faces shield sa harap ng tren. Sinabi ni LRMC Pres. at CEO Juan F. Alfonso, ang higanteng face mask at face shield ay paalaala sa commuters na maging responsable at gawin ang bahagi sa pagpigil sa pagkalat COVID-19. Taon-taon ay binibihisan ng LRMC ang kanilang tren upang ipadama ang kasiyahang dala ng panahon ng Kapaskuhan. Ngayon taon, ang higanteng face mask…

Read More

BARKONG PANDIGMA NG PHIL. NAVY INIHAHANDA NA

KASALUKUYAN nang sumasailalim sa serye ng pagsubok ang prospective missile frigate ng Philippine Navy, ang BRP Antonio Luna (FF-151), sa karagatang sakop ng South Korea bilang bahagi ng ikalawang sea acceptance trial. Sinusuri sa kasalukuyan ang communication system ng BRP Antonio Luna bilang paghahanda sa nakatakdang delivery nito sa susunod na taon, “Comms(communications) testing will be on December 7 to 11 on Ulsan (South Korea), pahayag kahapon ni PN Public Affairs Office chief, Lt. Commander Maria Christina Roxas. Sinasabing aabot sa P18 bilyon ang halaga ng BRP Antonio Luna, kasama…

Read More

TAX CUT SA FRONTLINERS APRUB SA KAMARA

BILANG pagpupugay sa kanilang kabayanihan ngayong panahon ng pandemya, inaprubahan sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang panukalang batas na bawasan ang binabayarang buwis ng medical frontliners. Walang tumutol nang isalang sa botohan sa virtual hearing ng House Committee on Ways and Means, ang House Bill (HB) 7351 na inakda ni Nueva Vizcaya Rep. Luisa Lloren Cuaresma. Base sa nasabing panukala, babawasan ng 25% ang personal income tax (PIT) ng medical frontliners, kasama ang mga allowance na natatanggap ng mga ito sa pagganap sa kanilang tungkulin ngayong panahon ng pandemya. “This…

Read More

BI EMPLOYEES BAWAL MAG-TIKTOK

IPINAGBAWAL ng Bureau of Immigration (BI) sa kanilang mga empleyado ang pag-post ng videos ng kanilang pagsasayaw na naka-uniporme, kumakanta at habang sila ay nagtatrabaho o iba pang pagkilos habang suot ang kanilang official uniform, sa social networking service na tinawag na Tiktok. Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente, ang pagbabawal na ipinatutupad ay kaugnay sa regulasyon ng bureau hinggil sa pagsusuot ng BI uniform, na ang integridad ay dapat ipairal sa lahat ng panahon dahil ito ay kumakatawan sa institusyon ng Philippine immigration service. “Our policy on the wearing…

Read More

ELECTRONIC VIOLENCE, IPINASASAMA SA VIOLENCE AGAINST WOMEN AND CHILDREN

NAIS ni Senadora Imee Marcos na amyendahan ang Anti-Violence Against Women and their Children Act of 2004 at saklawin ang electronic violence. Sa pagsusulong ng Senate Bill 1923, binigyang-diin ni Marcos na batay sa datos ng Philippine National Police, nasa 3,741 ang karahasang naitala laban sa mga babae at kabataan sa gitna ng ipinatupad na lockdown mula Marso 17 hanggang August 7. “With the dawn of the internet and social media, and people having no choice but to interact with each other through these platforms due to the pandemic, violence…

Read More

Atletang Pinoy, naalarma na sa kawalan ng ensayo

TINGNAN n’yo nga naman kung ano ang nagiging buhay ng mga atletang Pilipino masunod lamang ang obigasyong makapagsilbi sa bayan, ayon sa paraang nalalaman nila. Isang halimbawa nito ay si Olympic qualifier sa boksing na si Irish Magno, na mula nang makapasok sa XXXII Games of the Olympics sa Tokyo na ­gaganapin sa susunod na taon ay halos magpakamatay sa kagustuhang makapag-ensayo para matupad ang pangarap niya at ng lahat ng mga kababayan natin na mabigyan ang bansa ng kauna-unahang gintong medalya sa Olimpiyada. Maging ang kapwa niya boksingera at…

Read More