ANG bawat pagtatapos ay hudyat ng panibagong simula. Tayo ay nasa huling buwan na ng taon. Ito ang perpektong pagkakataon upang balikan ang nangyari sa buong taon at ang planuhin kung ano ang mga maaaring gawin sa susunod na taong 2021. Kaakibat ng pagtatapos ng taon ay ang ating pag-asang magtatapos na rin ang mga suliraning ating kinaharap ngayong 2020 lalo na ang pandemyang COVID-19. Isa sa mga sektor na nagsagawa ng pagpaplano para sa susunod na taon ay ang industriya ng kuryente sa bansa. Isang online na pagpupulong ang…
Read MoreMonth: December 2020
DOH TIKOM SA 98 COVID CASES SA KAMARA
WALANG naging aksyon ang Department of Health (DoH) sa naitalang 98 confirmed covid cases sa House of Representatives gayundin sa naiulat na paglabag sa quarantine protocol ng matataas na opisyal nito sa pangunguna nina House Speaker Lord Allan Velasco at Deputy Speaker Mikee Romero. Kinumpirma ni Quezon City Health Department-Epidemiology and Surveillance Unit (CESU) Director Dr. Rolly Cruz na naisumite na nila sa DOH ang kanilang Event-Based Surveillance and Response (ESR) report patungkol sa ginawang late reporting ng Kamara sa confirmed covid cases nito gayundin ang resulta ng kanilang isinagawang…
Read MoreSJDM IDINEKLARA NI PDU30 BILANG MAUNLAD NA LUNGSOD
IDINEKLARA na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang siyudad ng San Jose Del Monte sa lalawigan ng Bulacan na kabilang sa mga “highly-urbanized” o mauunlad na lungsod. Ipinahayag ito ni Rep. Florida “Rida” Robes nang pasinayaan ang City of San Jose Del Monte Convention Center (CSJDM) sa Brgy. Sapang Palay na batay na rin sa ilalim ng Proclamation No. 1057 na nagdedeklara sa siyudad bilang highly-urbanized at kailangan na lamang pagtibayin sa pamamagitan ng isasagawang plebisito ng mga botante ng lungsod. Pinangunahan ni Rep. Robes at kanyang kabiyak na si Mayor…
Read MorePrangkisa bubuhayin sa termino ni Velasco ABS-CBN BABALIK SA 2021
KINUMPIRMA mismo ni Deputy Speaker at Buhay Party-list Rep. Lito Atienza na magbubukas muli sa 2021 ang operasyon ng TV giant ABS-CBN bilang resulta ng pagpapalit ng liderato sa House of Representatives. Ayon kay Atienza, sa ilalim ng pamumuno ni House Speaker Lord Allan Velasco ay maibabalik sa floor ang diskusyon sa pagpapalawig sa prangkisa ng ABS-CBN. “I am really confident, justice will prevail by next year. They (ABS-CBN) were maltreated, they were eventually assassinated, so they should be given justice. Ako, I am just giving the new Speaker time…
Read MoreBakuna ng mga empleyado ipinasasagot TOP 5K KUMPANYA DAPAT GUMASTOS – DEFENSOR
UMAASA si Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor na gagastusan ng top 5,000 corporation sa bansa ang pagbabakuna sa kanilang 5 milyong empleyado laban sa COVID-19. Ginawa ni Defensor ang pahayag dahil aminado ito na hindi kaya ng gobyerno na bakunahan ang may 70 milyong Pilipino upang makabalik na sa normal na pamumuhay ang lahat. “As part of their business sustainability management, we are counting on our largest private firms to arrange and spend for the mass vaccination of their respective workforces,” ayon sa vice chairman ng House committee on health.…
Read MoreNUMBER CODING, TRUCK BAN IBABALIK SA VALENZUELA
PLANONG ibalik ni Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian ang truck ban at number coding scheme matapos madismaya sa pagpapapatupad ng bagong radio-frequency identification (RFID) sa North Luzon Expressway. Inilarawan ng alkalde na “hindi nag-iingat at walang pakialam” ang pagpapatupad ng naturang sistema. Ipinaghihimutok ng alkalde ang mabigat na daloy ng trapiko sa nasasakupan dahil sa luma nang vehicle sensors. Bukod dito, ayon sa punong-lungsod, ipinarating na niya ang hinaing sa Metro Pacific Tollways sa loob ng pitong taon, ngunit wala namang nangyari. CURFEW HOURS BINAWASAN Samantala, binawasan ang curfew…
Read MoreRED-TAGGING MALABONG MAGING KRIMEN – SOTTO
MALABONG maipasa ang anomang panukala upang gawing krimen ang red-tagging o pagtutukoy sa kritiko ng pamahalaan bilang komunista o kalaban ng Estado, ayon kay Senate President Vicente Sotto III. Sa pahayag, sinabi ni Sotto na naniniwala siyang ibabasura rin ni Pangulong Duterte ang panukala kahit maipasa ito ng Kongreso. “Malabo ‘yan. Mahirap i-define (ang red-tagging) kahit sabihin pa class legislation,” ayon kay Sotto sa interview. “Pangalawa, pumasa man iyan sa amin, ang opinion ko, 100 percent ibi-veto ni presidente iyan,” dagdag ni Sottto. Sinabi ni Sotto na kapag ginawang krimen…
Read MoreApela ng medical group sa Kamara ‘WAG MAGPAPOGI GAMIT ANG BAKUNA
BINALAAN kahapon ng isang medical group si House Speaker Lord Allan Velasco na huwag gamitin ang COVID-19 vaccine para bumango ang pangalan. Ang pahayag ay ginawa ng grupong Medical Action Group matapos na rin sabihin ni House Secretary General Dong Mendoza na prayoridad ni Velasco na mapabakunahan ang may 8,000 miyembro at kawani ng mababang kapulungan sa oras na maging available na ang COVID-19 vaccine kung saan inamin pa nitong nakikipag-ugnayan na sila kay Vaccine Czar Charlie Galvez hinggil sa nasabing bagay. Ayon kay Medical Action Group Chairperson Dr. Nemuel…
Read MoreSa sablay na RFID implementation KONTRATA NG TOLL OPERATORS BAWIIN
NAGBANTA si Senador Sherwin Gatchalian na babawiin ang concession ng toll operators sa gitna ng kapalpakan sa pagpapatupad ng Radio-Frequency Identification (RFID). Nanawagan si Gatchalian na busisiin ang concession agreement o kontratang pinasok ng gobyerno sa mga toll operator kaugnay ng kapalpakan at ilang paglabag sa pagpapatupad ng RFID sa mga expressway. Sinabi ng senador na pinaplano nitong maghain ng resolusyon sa loob ng linggong ito habang muling binatikos ang mga toll operator at pinapanagot sa mga pumapalyang RFID sensors sa toll gates matapos ang pagpapatupad ng cashless transactions simula…
Read More