1 pa sinuspinde ng QC PLEB PULIS SINIBAK SA P30K EXTORTION

SINIBAK ng Quezon City People’s Law Enforcement Board (PLEB) ang isang pulis dahil sa grave misconduct at habang sinuspinde naman ang isa pa para sa mas mababang kaso ng grave misconduct, kamakailan. Sa walong pahinang desisyon, sinibak ng PLEB District V ng Quezon City sa serbisyo si PO1 Michael Gragasin makaraang mapatunayan sa kasong grave misconduct dahil sa robbery extortion. Napatunayan din ng PLEB na guilty si PO2 Alex Chocowen sa mas mababang kaso ng grave misconduct dahil sa tangkang pangingikil kaya sinuspinde ito ng 51 araw. Nag-ugat ang kaso…

Read More

P54-M SHABU NASABAT SA PARAÑAQUE

INARESTO ang dalawang hinihinalang big time drug pusher makaraang makumpiskahan ng walong kilo ng umano’y shabu na tinatayang P54 milyon ang halaga, sa buy-bust operation sa Doña Soledad Ave., Brgy. Don Bosco, Parañaque City noong Sabado ng gabi. Ayon sa ulat, isang pulis ang nagpanggap na bibili ng droga sa mga suspek na isang 32-anyos na lalaking taga-Camarines Norte at isang 27-anyos na lalaking taga-Maguindanao. Ikinasa ang transaksyon ng bilihan ng droga ng dalawang suspek sa harap ng isang mall sa Bicutan sa Doña Soledad Ave., Parañaque City. Makaraan ang…

Read More

Implementasyon pinauurong ng Kamara DULOT NG RFID PROBLEMA HINDI GINHAWA

BUNSOD ng problemang idinulot ng radio-frequency identification (RFID) sa trapiko sa mga expressway tulad ng North Luzon Expressway (NLEX), ipinauurong ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang implementasyon nito. Ito ang kinumpirma ni House TRansportation Committee chairman, Rep. Edgar Mary Sarmiento matapos padalhan ng sulat ang Department of Transportation (DOTr) at Toll Regulatory Board (TRB) na bawiin muna ang implementasyon ng RFID hanggang Enero 2021. “Dun sa huling hearing namin noong November 25, i-push back ng January 1,” ani Sarmiento kaya nagpadala na aniya ng sulat ang komite sa mga nabanggit…

Read More

2 high-value ‘Waray-waray’ napatay CRIMINAL GROUP PINILAY NG PNP-AKG

NAPATAY ng mga tauhan ng Philippine National Police – Anti-Kidnapping Group, na pinamumunuan ni P/BGen. Jonnel C. Estomo, ang dalawang miyembro ng Waray-waray criminal syndicate, noong Sabado ng gabi sa Payatas, Quezon City. Ayon kay Police Major Ronaldo Lumactod, Jr., PIO chief ng PNP-AKG, matapos ang ilang buwang surveillance operation, nagkasa ng buy-bust operation laban sa mga kasapi ng criminal group na sangkot sa gun running operation, Isang tauhan ng PNP-AKG ang umaktong poseur buyer na bibili ng baril sa mga suspek ngunit bago matapos ang transaksyon ay nakatunog ang…

Read More

21K TRABAHO ILALATAG SA DOLE ONLINE JOB FAIR

MAHIGIT 21,000 trabaho ang ilalatag ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa ilulunsad nitong “electronic job fair” sa Disyembre 10 at 11. Ang nasabing job vacancies na makikita sa official website ng DOLE, ay kabilang ang mga trabahong kailangan sa ibang bansa, pahayag ni Secretary Sylvestre Bello III. Ani Bello, maraming bansa ang nangangailangan ng mga nurse, nursing aides, care workers, engineers, manggagawa sa mga pabrika at marami pang iba. Sa rekord ng DOLE, 16 lisensyadong manpower agencies ang mag-aasikaso ng job vacancies sa ibang bansa. Umabot naman sa…

Read More

3 PATAY SA LAND DISPUTE SA CAMSUR

CAMARINE Sur – Tatlong kasapi ng isang angkan ang namatay dahil sa land dispute sa pagitan ng mga magkakamag-anak sa Brgy. Beberon sa bayan ng San Fernando sa lalawigang ito. Ayon sa isinumiteng ulat ng San Fernando Municipal Police Station, kinilala ang mga napatay na sina Miral Rentoria, Alexander Rentoria at Noel Rentoria. Lumilitaw sa pagsisiyasat ng pulisya na away sa lupa ang pinag-ugatan ng nangyaring pamamaslang. Target ng manhunt operation ang mga suspek na sina Lauro Rentoria at Larry Rentoria, itinuturong nasa likod ng pamamaril at pananaga sa mga…

Read More

DRUG RING MEMBER, 26 PA TIKLO SA CAVITE

CAVITE – Umabot sa 27 katao, kabilang ang isang miyembro ng Felizardo drug group, ang nadakip sa isinagawang magdamagang buy-bust operation ng mga awtoridad sa magkakahiwalay na lugar sa lalawigang ito. Kinilala ang miyembro ng Felizardo drug group na si Joselito Travero, 43, binata, mangingisda at residente sa Tabing Dagat, Maliksi 3, Bacoor City. Ayon sa ulat, dakong alas-3:00 ng hapon noong Sabado nang magsagawa ng buy-bust operation ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (DEU) ng Bacoor CPS sa Brgy. Kaingin ng naturang Lungsod na nagresulta sa pagkakaaresto…

Read More

Nahulog sa pader ng rehab TATAKAS NA DRUG SURRENDEREE TODAS

LAGUNA – Patay ang isang drug surrenderee nang mahulog ito mula sa inakyat na pader habang tumatakas mula sa rehabilitation center sa Sta. Rosa City sa lalawigang ito, noong Sabado ng umaga. Idineklarang dead on arrival sa ospital ang rehab inmate na si Teodoro Vallejo Jr. habang tuluyang nakatakas ang kasama nitong si Arvin Ryan Alora. Ayon sa report ng Sta. Rosa Police, habang nag-aalmusal ang mga inmate nang umakyat ang dalawa sa pader ng Dangal ng Pagbabago rehabilitation center sa Brgy. Tagapo para tumakas. Ngunit dahil sa mga bubog…

Read More

Nalusutan sa pinatay na mayor at ex-mayor PNP NANGANGAMOTE

WALANG pulis sa mga lugar na pinagtambangan kina Los Baños Mayor Ceasar Perez at dating Pagbilao Mayor Romeo Portes sa magkahiwalay na araw. Ito ang lumabas sa mga imbestigasyong isinagawa ng mga pulis sa pagkamatay nina Perez at Portes. Ayon sa ulat ng Philippine National Police (PNP) sa Laguna, walang bodyguard na mga pulis si Perez nang pagbabarilin ng nag-iisang suspek sa ulo at katawan noong gabi ng Disyembre 3. Mabilis na naitakbo si Perez sa HealthServe Medical Center, ngunit tuluyan din itong namatay dahil napuruhan sa isang tama ng…

Read More