EMERGENCY USE NG COVID VACCINE MAY GO SIGNAL NA NI PDU30

TININTAHAN na ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang kautusan na nagbibigay ng pahintulot sa Food and Drug Administration na payagan ang emergency use ng COVID-19 vaccines at treatments. Nakasaad sa Executive Order No. 121 na pinahihintulutan si FDA Director General Eric Domingo na maglabas ng Emergency Use Authorization (EUA) sa drug at vaccine makers. At dahil sa bagong pinirmahang kautusan, ang bakuna ay puwedeng maaprubahan para magamit sa loob ng isang buwan sa halip na sasailalim pa sa usual six-month review period. Nauna nang siniguro ni Domingo sa publiko na…

Read More

Para mapawi ang pangamba ng publiko GALVEZ, DUQUE PANGUNAHAN ANG PAGPAPABAKUNA VS COVID-19

HINAMON ni Senator Christopher ‘Bong’ Go sina Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III at vaccine czar Presidential Adviser Carlito Galvez na unang magpaturok ng bakuna laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa sandaling maging available na ito sa publiko. Ito ay upang mapawi aniya ang pangamba ng mamamayan hinggil sa kaligtasan ng naturang bakuna at mabuo ang kanilang kumpiyansa sa bisa at pagiging epektibo nito. “May mga nag-aalangan pa kaya dapat unahin natin ang safety ng vaccine na ito. That is why I’m challenging Secretary Galvez once safe…

Read More

MEDIA WORKERS WELFARE BILL, MAISASABATAS NA

MALAKI ang paniniwala ni ACT-CIS Party-list Representative Nina Taduran na magiging isang ganap nang batas ang inihain nitong Media Workers Welfare Act para sa proteksiyon ng mga mamamahayag. Ayon kay Rep. Taduran, kung ang MWW Act ay magiging batas, tinitiyak nito na wala nang reporter na magko-cover ng bagyo na garbage bag lang ang suot para maprotektahan ang sarili. Binigyang-diin ng mambabatas na malaking tulong ang House Bill 2476 para sa media workers at ikatutuwa ng mga ito dahil sa nakapaloob rito ang full protection sa tuwing gaganap sila sa…

Read More

PINAS DAPAT MAGING MAAGAP SA PAGBILI NG COVID VACCINE

KAILANGAN na  maging maagap ang gobyerno sa paninigurong hindi mahuhuli ang Pilipinas sa pag-angkat ng anti-COVID-19 vaccine. Sinabi ng isang vaccine expert na si UP- PGH professor Emeritus Dra Lulu Bravo, nag-uunahan ang mga bansa na makakuha ng unang lalabas na bakuna. Kaya kapag nahuli, ani Bravo sa pagbibigay ng advance market commitment ang Pilipinas, posibleng mapag-iwanan tayo ng iba pang mga bansa na nakikipag-unahan na din sa pagkuha ng bakuna. Sa kabilang dako, sinabi ni Bravo na maaari nang magbigay ng advance market commitment sa alinmang vaccine manufacturer na…

Read More

High school students pinatututukan ng solon REPORMA KAILANGAN SA SISTEMA NG EDUKASYON

PINATUTUTUKAN ni Senador Win Gatchalian ang mga high school student para makasabay sa mga bansa sa South East Asia pagdating sa core subjects tulad ng Reading, Writing at Mathematics. Paliwanag ng senador, lumalabas na hindi sapat ang kakayahan ng maraming mag-aaral na nasa elementarya na tumuntong ng high school. Ito’y kasunod ng isinagawang pag-aaral sa mga Grade 5 student sa Timog-Silangang Asya pagdating sa core subjects tulad ng Reading, Writing, at Mathematics. Ayon kay Gatchalian, hudyat ito na kailangan ang agarang reporma sa basic education curriculum upang hindi mapag-iwanan ang…

Read More

BENEPISYO NG HEALTHCARE WORKERS IBIGAY NA – SOLON

NANINDIGAN si Senador Christopher Bong Go na patuloy itong mananawagan sa Department of Health (DOH) na ibigay na ang benepisyo ng mga healthcare worker sa buong bansa. Sinabi ni Go na may pera nang inilaan ang Department of Budget and Management (DBM) kaya walang dahilan para maantala ang benepisyo at hazard pay para sa magigiting na healthcare workers. Ayon kay Go, hindi ito magsasawang magsalita araw-araw kung kinakailangan at ibubulong nito kay Pangulong Rodrigo Duterte  ang isyu. Binigyang-diin ni Go na hindi basta-basta ang hirap ng trabaho ng mga health…

Read More

TRB, ‘TULOG SA PANSITAN’ SA KAPALPAKAN NG RFID STICKERS

DISMAYADO si Senador Win Gatchalian sa kawalan ng aksyon ng Toll Regulatory Board sa reklamo ng mga motorista hinggil sa palpak na sistema sa RFID stickers sa mga expressway. Dahil dito, isusulong ni Gatchalian ang resolution upang imbestigahan ang implementasyon ng RFID system sa mga expressway. “Dapat trabaho na nga yan ng TRB, kaya nagtataka kami nasaan ang TRB bakit tahimik sila. Pero nakikita natin ang TRB walang ginagawa at natutulog lang kaya wala [tayong] choice kundi umakto ako personally magpa-file ako [ng] reso para maimbestigahan para gumalaw na ang…

Read More

Umanib sa NPA nang kasuhan NANGHALAY NG 7-ANYOS, ARESTADO SA PNP-AKG

NADAKIP ng mga tauhan ni PNP – Anti-Kidnaping Group chief, P/BGen. Jonnel C. Estomo, ang isang miyembro ng komunistang New People’s Army na suspek din sa panggagahasa sa isang 7-anyos na batang babae sa Brgy. Lumbua, Cagayan de Oro City nitong nakalipas na linggo. Ayon kay P/BGen, Estomo, nadakip ng PNP-AKG Mindanao Field Unit sa isinagawang law enforcement operation ang suspek na si Virgilio Ruiles na mahigit dalawang taong nagtago matapos makasuhan ng panghahalay sa isang menor de edad sa Iligan City noong 2017 at 2018. Kilala sa alyas na…

Read More

SANGGOL NAHULOG HABANG HOSTAGE NG AMA, PATAY

ISINAILALIM sa hospital arrest ang isang 24-anyos na lalaki makaraang barilin ng nagrespondeng mga pulis nang gawing hostage ang dalawang buwang gulang niyang anak sa bayan ng Cateel, Davao Oriental. Kasalukuyang inoobserbahan sa Davao Oriental Hospital ang sanggol matapos na mabitiwan ito ng kanyang ama habang umiiwas sa nagrespondeng mga tauhan ng Cateel Municipal Police Station. Napag-alaman, ginawang hostage ng suspek ang kanyang asawa’t anak sa kanilang bahay sa Sitio Bawod sa Brgy. San Antonio habang armado ng itak, sa hindi nabatid na dahilan. Agad namang nakatawag ng responde ang…

Read More