Sa pinatinding pagsisikap na masugpo ang ilegal at smuggled medicines, nasabat ng Bureau of Customs (BOC) sa pamamagitan ng Manila International Container Port (MICP), Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) at Enforcement and Security Service (ESS) sa tulong ng Philippine Coast Guard (PCG) at National Bureau of Investigation (NBI) ang Chinese medicines sa Pasay City noong Enero 14, 2021. Armado ng Letter of Authority (LOA), ang mga miyembro ng pinagsamang na team nang magtungo sa storage facility na matatagpuan sa Pasay City. Sa pagsisilbi nila ng LOA, ang team ay…
Read MoreMonth: January 2021
STOP OVER SA DUBAI, ISANG URI NG ILLEGAL RECRUITMENT SA U.A.E.
GARAPALAN at talamak na ang nangyayaring illegal recruitment sa social media patungo sa United Arab Emirates (UAE) na kinapapalooban ng Dubai at Abu Dhabi. Nitong nakaraang Biyernes ay napag-usapan namin sa aming programang Bantay OFW sa DWDD 1134KHz AM kasama si Alden Estolas at POEA Administrator Bernard Olalia ang sumbong ng mga OFW ukol sa paghihikayat sa kanila ng ilang mga kapwa OFW na nakabase sa Dubai upang lumipat ng trabaho mula sa karatig na bansa. Kabilang sa mga isinumbong ng mga OFW at Volunteer Advocates ang may Facebook Account…
Read MoreMAYOR BENHUR ABALOS BILANG BAGONG MMDA CHAIRMAN
MATAPOS ang pagpanaw ng dating Chairman ng Metro Manila Development Authority (MMDA) na si Danilo Lim, inanunsyo kamakailan ang napili ni Pangulong Rodrigo Duterte na papalit dito. Ang napiling bagong pinuno ng MMDA ay walang iba kung hindi si dating Mandaluyong Mayor Benjamin “Benhur” Abalos, Jr. Lubos akong sumasang-ayon sa naging desisyon ni Pangulong Duterte. Upang maipagpatuloy ang magandang takbo ng sistema ng organisasyon, kailangan ng pinunong kagaya ni Lim na matapat, mahusay, at may integridad. Wala na akong ibang naiisip na perpektong kandidato para sa posisyon kung hindi si…
Read MoreSa P4-M ‘padulas’ sa DPWH ENGR. NICOLAS, IBA PA, SWAK SA KORAPSYON
(NELSON S. BADILLA) IPINAG-UTOS ni Pangulong Rodrigo Duterte na agad parusahan ang district engineer ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa lungsod ng Pasig at apat pa niyang kasamahan dahil sa P4 milyong ‘padulas’ sa P70 milyong proyekto ng nabanggit na kagawaran. Inaakusahan ng korapsyon si Engineer Roberto “Bobby” Nicolas at kanyang mga kasamahan na sina Tess Orquia, Engr. Melody Domiguez, Engr. Luisito Ponancio at Vilma Gomez. Kinumpirma naman ni DPWH Secretary Mark Villar na bukod sa kasong korapsyon, sasampahan din sina Nicolas, Orquia, Dominguez, Ponancio at Gomez…
Read MoreHALAL COVID-19 VACCINE HIRIT NI IMEE PARA SA PINOY MUSLIMS
NANAWAGAN si Senador Imee Marcos sa pamahalaan na siguruhing ‘halal’ o may permiso para sa milyung-milyong Pilipinong Muslim ang mga COVID-19 vaccine para hindi lang masayang o mabasura at marami ang mabakunahan. “Ang pagsasa-alang-alang sa relihiyon at mga kultura o paniniwala ay makakaiwas para hindi masayang ang gastos ng gobyerno at makakahimok sa mga tao para magpabakuna,” ani Marcos na nagsabing 47% ng mga Pinoy na na-survey ng Pulse Asia ay nag-aatubiling magpabakuna. “Dapat na kumonsulta ang pamahalaan sa mga grupong nagsi-certify ng halal tulad ng Islamic Da’wah Council of…
Read MoreIimbestigahan ng Kamara IREGULARIDAD SA BAYANIHAN 1, 2
NAKAAMOY ng iregularidad ang House committee on appropriation sa Bayanihan 1 at 2 kaya pagaganahin na ang oversight function ng komite para imbestigahan kung papaano ginamit ang pondo sa dalawang nabanggit na batas. Ito ang nabatid kay Benguet caretaker Rep. Eric Yap, chairman ng nasabing komite kaya bukod sa pagbabantay sa 2020 at 2021 national budget ay bubusiiin kung papaano ginastos ang mahigit P664 billion ng Bayanihan 1 at 2. “Our responsibility as the Appropriations Chair does not end once the budget is enacted. Aside from our regular committee work,…
Read MoreANTI-CHILD PORN LAW AMYENDAHAN NA – NOGRALES
(BERNARD TAGUINOD) MULING umapela si Rizal 2nd District Congressman Fidel Nograles sa liderato ng Kamara na isalang na sa deliberasyon ang kanyang panukalang amyendahan ang Republic Act (RA) 9775 o Anti-Child Pornography Act of 2009 upang matigil na ang online exploitation sa mga kabataan. Ginawa ni Nograles ang apela matapos aksyunan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang problema sa online child pornography nang atasan niya ang National Telecommunications Commission (NTC) na patawan ng parusa ang mga Internet Service Provider (ISP) na mabibigong pigilan ang krimeng ito. “Nagpapasalamat tayo na si Pangulong…
Read More15K CONTACT TRACERS MULING PAKIKILUSIN
MULING minobilisa ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang 15,000 contact tracers para matiyak na magiging tuloy-tuloy ang ginagawang contact tracing efforts ng kagawaran. Muling kinuha ng DILG ang serbisyo ng may 15,000 contact tracers (CTs) sa buong bansa sa loob ng panibagong anim na buwan. Nabatid na inaprubahan ng Department of Budget and Management ang kabuuang P1.9-billion para sa hiring ng CTs ngayong 2021. “While the country’s COVID-19 response is significantly improving, we should sustain our contact tracing efforts especially with the reported entry of the new…
Read MorePagbili ng Sinovac NANGANGAMOY KORAPSYON – LACSON
NAKITAAN ni Senador Panfilo Lacson ng bahid ng korapsiyon ang pagbili ng bakuna mula sa Sinovac dahil magkaiba ang presyo nito sa Pilipinas kumpara sa ibang bansa. Sa pahayag, sinabi ni Lacson na kanyang natuklasan na aabot lamang sa $5 ang halaga ng bawat doses ng Sinovac sa ibang bansa, ngunit inilantad ng Department of Health noong Nobyembre, na aabot sa $38 (higit P1,800) ang kada doses ng naturang bakuna sa Pilipinas. Ayon kay Lacson, may isang artikulo na inilathala ng Bangkok Post nitong Enero 16, 2021 – na gumamit…
Read More