INAABANGAN sa mababang kapulungan ng Kongreso kung sino-sino ang pananagutin sa madugong engkuwentro ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Philippine National Police (PNP) sa Quezon City noong nakaraang linggo. Kasabay nito, inatasan ni House defense and security committee vice chairman Rep. Ruffy Biazon sa PDEA at PNP na rebyuhin ang kanilang operational procedures upang malaman kung may dapat baguhin kasunod ng hindi katanggap-tanggap na engkuwentro ng dalawang ahensya kung saan kapwa nalagasan ang mga ito ng tig-2 tauhan. “While many are looking forward to seeing heads roll after the…
Read MoreMonth: March 2021
Sa military, police pension KINALTAS NI CAYETANO MAS MALAKI – SOLON
ISINISI ni Deputy Speaker Isidro Ungab kay dating House Speaker Alan Peter Cayetano ang paglobo ng arrears sa pension and gratuity funds (PGF) ng mga retired military, police at iba pang uniformed personnels noong 2020 na umaabot sa P40 billion. Ayon kay Ungab na siyang chairman ng House committee on appropriations noong panahon ni Cayetano ay umaabot sa P209 billion umano ang naibawas sa 2020 national budget kasama na ang P70 billion na PGF. “I think this is the proper time to reveal what truly happened, everything that has happened.…
Read MoreKumpiyansa ng Pinoy sa Sinovac hirap umangat ‘DUTERTE BOYS’ KAYOD-KALABAW
PUSPUSAN ang panghihikayat ng administrasyong Duterte sa publiko na magpaturok ng bakunang CoronaVac na gawa ng Sinovac Biotech Ltd. mula sa China. Sa ikalawang araw ng pagbabakuna sa bansa, mistulang kayod-kalabaw sa pag-iikot sina Secretary Carlito Galvez Jr., Secretary Francisco Duque III at Secretary Vince Dizon sa iba’t ibang pamahalaang lokal na nagsimula nitong Lunes sa kani-kanilang vaccination program upang mahikayat lumahok ang maraming opisyal at kawani ng pamahalaang lokal. Ngunit, kahapon hindi pinahintulutang magpaturok ng bakunang CoronaVac sina Marikina Mayor Marcelino Teodoro, Pasig City Mayor Vico Sotto at Manila…
Read MoreEksperto umapela sa publiko na magpabakuna ‘WAG NANG ‘CHOOSY’
UMAPELA ang mga eksperto sa publiko na tanggapin na kung ano ang bakunang mayroon ngayon sa bansa upang makaiwas sa nananatili pa ring peligrong dulot ng COVID-19. Paniniguro ni Dr. Edcel Salvana ng UP Molecular Biology and Biotechnology at National Institutes of Health, makapagsasalba ng buhay ang bakuna na garantisadong hindi na aabot pa sa severe case ang isang indibidwal sakali’t tamaan pa ng virus. “For example po, 2.5 million people na ang namatay sa covid ngayon, kung mayroon tayong bakunang ganito katulad ng Sinovac, kung dineploy natin iyan at…
Read MoreBAKUNA NG PFIZER WALA PANG KATIYAKAN
SINABI ni Vaccine czar Carlito Galvez Jr. na hindi dapat umasa ang publiko na darating na sa bansa sa lalong madaling panahon ang bakunang Pfizer. Tanging Sinovac ang kasalukuyang available na bakuna na nasimulan nang iturok sa mga medical worker. Ani Galvez, wala nang aasahang Pfizer na paparating ngayong 1st quarter dahil napakataas ng demand nito sa international market. “And we should not expect na iyong Pfizer ay darating sa madaling panahon dahil kasi nakita natin na halos lahat ng bansa ang kinukuha nila ay ang Pfizer at saka Moderna…
Read MoreDigong kay Leni: “ANGEL FACE BUT DEVILISH MIND”
“YOU seem to have an angel face but a devilish mind.” Ito ang patutsada ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte kay Vice President Leni Robredo matapos sabihin ng huli na ang Sinovac’s COVID-19 vaccine, na natatanging available sa bansa ngayon ay hindi akma para sa mga senior citizen na gaya ng pangulo. Nauna rito, hinikayat ni Robredo ang pangulo na manguna sa pagpapaturok ng COVID-19 para mapawi ang pangamba ng mga Pilipino sa bakuna. “You know in the protocol, the preferential right is given to 18 above tapos 59. Ako, mareng…
Read MoreFACEBOOK PAGPAPALIWANAGIN SA ONLINE SEXUAL EXPLOITATIONS
DISMAYADO ang ilang senador sa pang-iisnab ng social media giants na Facebook at Twitter sa pagdinig ng Senado kaugnay ng online abuse and exploitation of children. Tinawag pa ni Senador Kiko Pangilinan na crime scene ang mga social media platform na ito partikular ang mga fake account na sangkot sa criminal activities. Sa pagdinig nitong Martes ng Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality, tinalakay ang mga panukala laban sa electronic violence sa mga babae at kabataan, online sexual abuse at exploitation of children at ang posibleng…
Read More2 PASAY RESIDENTS TINAMAAN NG SOUTH AFRICAN VARIANT
NADISKUBRE ng Department of Health (DOH) na may bagong kaso ng “United Kingdom variant” at mayroon na ring anim na kaso ng South African variant ng COVID-19 kung saan dalawa sa mga ito ay residente ng lungsod ng Pasay. Natunton ng DOH ang dalawang pasyente na aktibo sa bagong uri ng COVID-19 sa Pasay nang pag-aralan nito ang mabilis na paglaki ng bilang ng mga tinatamaan ng sakit. Bunga nito, 77 barangay na ang inilagay sa istriktong localized lockdown ng pamahalaang lungsod. Pinaniniwalaang ang pagkakaroon ng bagong uri ng COVID-19…
Read MoreLEARNING CRISIS
NAKAKALUNGKOT naman kung totoong unti-unti nang nangyayari ang pagkakaroon ng tinatawag na ‘learning crisis’ sa bansa na isa sa negatibong naidulot sa atin ng pandemya ng COVID-19. Ano ba yung tinatawag na learning crisis? Ayon kay Senador Sherwin Gatchalian na siyang Chairman ng Senate Committee on Basic Education, Arts and Culture, hindi malayong nararanasan na ito ng sektor ng ating edukasyon bunga na rin ng ibat-ibang pagsubok kaugnay ng umiiral na distance learning sa kasalukuyan. Isa sa pinangangambahan ay ang posibilidad na malaking bilang o porsiyento ng mga estudyante ang…
Read More