(BERNARD TAGUINOD) INAKUSAHAN ni Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor ang liderato ni House Speaker Lord Allan Velasco na pinagnakawan ang mga retiradong sundalo, pulis at iba pang uniformed personnel. Sa kanyang privilege speech kahapon, sinabi ni Defensor na umaabot sa P20 billion ang ninakaw diumano ng liderato ni Velasco sa pension and gratuity funds ng mga retired military, police, bureau of fire, coast guard at mga jail guard. “Ako po ay tumayo dahil hindi ko po masikmura ang sitwasyon ng ating mga retiradong sundalo, mga pulis at iba pang sangay…
Read MoreMonth: March 2021
Nagtitiwalang Pinoy 30% pa lang PAGBABAKUNA UMARANGKADA
(NELSON S. BADILLA at BERNARD TAGUINOD) OPISYAL nang sinimulan kahapon ang baksinasyon sa maraming ospital ng pamahalaan sa iba’t ibang bahagi ng Metro Manila. Naganap ito isang araw makaraang dumating ang 525,600 doses ng Coronavax, bakuna ng Sinovac, sa bansa nitong Linggo. Ang 525,600 doses ng bakuna ay donasyon ng pamahalaan ng China sa Pilipinas. Tiwala ng Pinoy May hamon naman ang pinuno ng Kamara upang maiangat ang tiwala ng publiko sa bakuna. Ayon kay House Speaker Lord Allan Velasco, dapat maunang magpabakuna ang lahat ng elected officials upang…
Read MorePILOT F2F CLASSES ISANGGUNI SA EXPERTS
HINILING ni Senador Win Gatchalian sa Department of Education (DepEd) na magbuo ng sariling “panel of experts” na magsisilbing gabay sa pagsasagawa ng panukalang pilot test para sa pagbabalik ng face-to-face classes sa low-risk areas. Sa pahayag, sinabi ni Gatchalian na dahil tinututukan ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID), ang panel ng mga eksperto ng DepEd ang maaaring sumuri sa pilot testing program ng face-to-face classes gamit ang mas angkop na kaalaman, lalo na’t magkakaiba ang sitwasyong kinakaharap ng mga paaralan. “Hindi naman ibig…
Read MoreP921-M KONTRATA NG PNR SA CHINESE FIRM, INATRAS
INATRAS ng Philippine National Railways (PNR) ang P921 milyong kontrata sa isang kumpanya sa China dahil sa paglabag nito sa Procurement Law. Hindi itutuloy ng PNR ang proyekto sa CRRC Zhuzhou Locomotive Co. Ltd. matapos pagsabihan ng Commission on Audit (COA) ang nabanggit na ahensiya ng gobyerno na kulang ang ipinasang mga rekesito ng Chinese firm sa naganap na bidding noong 2019. Nanalo ang CRRC Zhuzhou at ibinigay ng PNR ang P921 milyong kontrata para sa pagbili ng bagong “gauge diesel multiple unit” ng mga tren na gagamitin sa biyahe…
Read MoreKung walang information campaign MASS VACCINATION MABIBIGO – MARCOS
NAGBABALA si Senador Imee Marcos na magdudulot ng malaking perhuwisyo ang mass vaccination program ng pamahalaan kontra sa COVID-19 virus kapag nagbulag-bulagan ito sa mataas na bilang ng mga Pinoy na nag-aatubiling magpabakuna. Ayon sa senador, kailangang kumilos ang mga ahensya ng pamahalaan at kung walang masinsinang information campaign na gagawin ay mababalewala ang vaccination program nito. “Ang dapat unahin ay kumbinsihin ang mga Pinoy na magpabakuna. Gamitin na natin ang panahon na naaantala ang bakuna at himukin ang lahat na magpaturok para sa kalusugan at kaligtasan ng ating mga…
Read MoreHINDI EXCITED
DAPAT matuwa ang mga Filipino dahil sa wakas, pagkatapos ng isang taon mula ng mamuwerhuwisyo ang COVID-19 ay may dumating na bakuna pero bakit ang pakiramdam ko, parang hindi excited ang mga tao? Noong Sabado pa lang, ipinangangalandakan na ng Malacanang na parating na ang first batch ng bakuna at tulad ng inaasahan, mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ang sumalubong. Sya nga pala, parang tanging si Pangulong Digong ang Head of State sa buong Mundo ang personal na sumalubong sa unang COVID-19 vaccines na dumating sa kanilang bansa. Pero tulad…
Read MoreR.A. NO. 11524 O ANG CFITF MALAKING TULONG SA 2.5-M COCONUT FARMERS
PANAHON na para naman umangat kahit bahagya ang kabuhayan ng may 2.5 milyong magsasaka ng niyog sa buong bansa. Ang mga niyugan sa bansa ay mula Laguna, Batangas, Quezon at Bicol region na pawang bahagi ng Luzon. Sa Visayas ay sa Iloilo, Negros, Cebu, Leyte at Samar. Sa Mindanao naman ay mula sa Surigao hanggang sa isla ng Tawi-Tawi. Ang mga nabanggit kong lugar, karamihan ng mga kababayan natin doon ay mula sa puno ng niyog ang ikinabubuhay. Kung tawagin nga nila ang puno ng niyog ay “tree of life”.…
Read MoreMGA BATANG LALAKI, INAABUSO RIN
MALAKING isyu para sa akin ang pananamantalang seksuwal at pambababoy sa mga babaeng minor de edad, o mga batang 17 taong-gulang pababa. Kaya, kahit hindi assigned beat sa akin ng aming managing editor ang isang erya ay ginagawa ko ang istorya tungkol sa pananamantalang seksuwal at pambababoy sa mga batang babae. Isa sa mga Special Report ko tungkol sa isyung ito na lumabas noong bagong labas pa lang ang pahayagang Bomba sa ilalim ng pamamahala ng Peryodiko Filipino Inc. (PFI). Ang nasabing serye ng Special Report ay halaw sa datos…
Read MoreNasabat ng mga tauhan ni Col. Cardiño 13 ARESTADO SA PEKENG TRAVEL DOCUMENTS
ZAMBALES – Arestado ng mga operatiba ng Castillejos MPS sa koordinasyon ng PS6 ng Angeles City, Pampanga, ang 13 indibidwal noong Sabado, Pebrero 27, makaraang magharap ng pinalsipikang Regional Joint Task Force Covid Shield Travel Authority, sa isang checkpoint sa lalawigang ito. Base sa report na isinumite kay P/Col. Romano Velayo Cardiño, Provincial Director ng Zambales Provincial Police Office, ang 13 sibilyan mula sa Angeles City, Pampanga ay patungo sa Botolan, Zambales nang madakip sa tangkang paglusot sa checkpoint sa Nat’l Highway, Brgy. Magsaysay, Castillejos Zambales, habang sakay ng isang…
Read More