NALAGLAG sa mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Laloma Police Station (PS-1) sa ilalim ng Quezon City Police District (QCPD), ang dalawang drug suspects sa buy-bust operation sa Quezon City noong Linggo. Kinilala ni QCPD Director, P/BGen. Danilo Macerin ang mga suspek na sina Mario Rocha, 42, at Reynaldo Tuscano, 53, pawang mga residente ng Brgy. Apolonio Samson, Quezon City. Napag-alaman, iniulat ng isang confidential informant sa PS-1 ang hinggil sa drug peddling activities ng mga suspek kaya’t agad naglatag ng buy-bust operation ang mga awtoridad dakong ala-1:30 ng hapon noong…
Read MoreMonth: March 2021
TSERMAN NA MIYEMBRO NG LGBT ITINUMBA
ILOILO – Patay ang isang kontrobersyal na barangay chairman na kasapi ng LGBT community, nang pagbabarilin ng hindi pa kilalang mga suspek sa bayan ng Calinog sa lalawigang ito, noong Linggo ng umaga. Ayon sa pulisya, pauwi ng Tapaz, Capiz ang biktimang si Julie Catamin, 49-anyos, nang pagbabarilin ng mga lalaking nakasakay sa motorsiklo. Nabatid na si Catamin ay kasalukuyang punong barangay ng Barangay Roosevelt sa bayan ng Tapaz. Base sa inisyal na imbestigasyon, lulan ng kanyang motorsiklo si Catamin at binabagtas ang Barangay Malitbog Centro, Calinog nang dikitan at pagbabarilin…
Read MoreP1.4-M SHABU NASABAT SA TAGUIG BUY-BUST
ARESTADO ang dalawang lalaki makaraang makumpiskahan ng P1.426 milyong halaga ng umano’y shabu sa isinagawang buy-bust operation sa Taguig City noong Linggo ng gabi. Kinilala ang mga suspek na sina Jose Hernando, 20, at Enzo Dwight Javier,18, nakumpiskahan ng mga pulis-Makati ng P207,000 halaga ng umano’y shabu dakong alas-7:30 ng umaga sa Brgy. Pinagsama, Taguig City. Ngunit nakuha rin ng mga pulis mula sa mga suspek ang dala ng mga ito na 107 gramo ng shabu na P1.156 milyon ang halaga. Isinagawa ang operasyon batay sa tip sa pulisya ng…
Read More2 SABUNGERO DINAMPOT SA TUPADA SA PAROLA
BUNSOD ng nakatalagang mga look-out, dalawa lamang sa mga sabungero ang natimbog ng mga tauhan ng Manila Police District sa pagsalakay sa isinagawang tupada sa Parola Compound, Tondo, Manila noong Linggo ng hapon. Nahaharap sa kasong paglabag sa Presidential Degree (PD 1602) na inamiyendahan sa RA 9287 (illegal gambling) ang mga suspek na kinilalang sina Jeffrey Palconit, 32, binata, jobless, ng #156, Gate 54, Area C, Parola Compound, at Sonny Di-Cen, 30, may asawa, vendor, ng Gate 48, Area B, kapwa ng Parola Compound sa Binondo, Manila. Base sa report…
Read More63 pang kawani covid positive NAVOTAS LOCKDOWN PINALAWIG
NILAGDAAN ni Navotas City Mayor Toby Tiangco ang Executive Order No. TMT-019, na nagpapalawig hanggang Marso 9, 2021 sa ipinatutupad na lockdown sa Navotas City Hall matapos madagdagan ng 63 pang mga kawani nito ang mga positibo sa COVID-19. Damay rin sa lockdown ang Navotas City Hall Annex (kasama ang NavoServe) at ang Franchising Permits Processing Unit. “Para mapangalagaan ang kapakanan ng bawat empleyado at mga mamamayang pumupunta sa city hall, kinailangan pong habaan pa ang ating lockdown,” ani Tiangco. “Kung may urgent concerns man po sa alinmang tanggapan ng…
Read MoreUMAWAT SA AWAY MAG-ASAWA, SINAKSAK
CAVITE – Sugatan ang isang 28-anyos na driver makaraang saksakin nang tangkaing awatin ang nag-aaway na mag-asawa sa bayan ng Kawit sa lalawigang ito. Nilalapatan ng lunas sa Las Piñas District Hospital ang biktimang si Rodel Rodica ng Brgy. Aplaya, Kawit, dahil sa saksak sa dibdib at mukha mula sa suspek na si Arnold Godio, 46, may live-in partner, ng Sgt. Dante St., Binakayan, Kawit. Ayon sa ulat ni P/CMSgt. Roldan Requioma ng Kawit Municipal Police, dakong alas-8:00 noong Sabado ng gabi nang mangyari ang insidente. Nagtatalo umano ang lasing…
Read More180 lang sa hospital staffs ang nagpabakuna SINOVAC DINEDMA SA TALA HOSPITAL *Dizon ‘hinayblad’ bago nabakunahan
NAPATUNAYAN ang pagiging “choosy” ng mga staff ng Dr. Jose N. Rodriguez Memorial Hospital sa Caloocan City, na kabilang sa mga unang nakatakdang bakunahan laban sa COVID-19, matapos lumabas na lalo pang nabawasan ang dati nang kakaunting kawani ng pagamutan na gustong magpabakuna ng Sinovac. Umabot lamang sa 180 sa halos 2000 kawani ng pagamutang kilala rin bilang Tala Hospital, ang payag na maturukan ng Sinovac, ito ang nabatid sa nurse ng nasabing ospital na si Julie Anne Talimban-Soler. Naglabas ng questionnaires ang ospital para sa 1,917 kawaning kwalipikadong bakunahan…
Read MoreTROLLEY BOY TODAS SA PASAHERO
LUCENA City – Patay ang isang trolley operator makaraang barilin ng hindi kilalang suspek na nagpanggap na pasahero sa lungsod na ito, noong Linggo ng umaga. Kinilala ng Lucena City Police ang biktimang si Ambrocio Abril Tibayan, Jr., 42, isang PWD, at residente sa Barangay Ibabang Iyam. Batay sa report ng Lucena City Police, itinutulak ng biktima sa riles ang kanyang trolley nang bigla na lamang itong barilin sa ulo ng nakasakay na suspek. Agad namatay ang biktima habang mabilis namang tumakas ang suspek. Inaalam pa ng mga awtoridad ang posibleng motibo…
Read MoreSuspek sa pagpatay sa pulis BATA NI MAYOR TINUTUGIS
“ISUSUKO namin siya.” Ito ang tugon ni Rosario Mayor Voltaire Ricafrente hinggil sa tinutugis na bodyguard nito na suspek sa pagpatay kay Patrolman Jerome Carlo Pamaran ng Bacoor City Police, dahil sa simpleng away at sumbong ng pamangkin nito na nauwi sa madugong komprontasyon noong Biyernes ng gabi. Ayon kay kay P/Lt. Colonel Joewie Lucas, hepe ng Rosario Police, tiniyak ni Mayor Ricafrente na isusuko nito si Antonio Perea, alyas “Tonifer,” nasa hustong edad. “Basta nakuha namin ang exact address ng kinaroonan niya (suspek), isusuko namin siya,” pahayag umano ni Mayor…
Read More